Chapter 12|Beastmode

124 6 0
                                    

Guys sorry nagkabaliktad po ng paglagay ko sa mga chapter. Imbis ang sunod po ay chapter 12 eh ang nauna po ang chapter 13. Nagkaproblema kasi eh hehe. Sorry po ulit peace!

Katalina's P.O.V

Ayaw na ayaw ko yung minamaliit ang ginagawa ko. Tapos ngayon, didisiplinahan nila ako? Bakit kulang ba ako sa disiplina? Spoiled brat ba ganon?

At ito pa, sa dinami-daming estudyante na pwedeng pagpilian si Darryl pa? Kapartner ko na nga siya sa report namin, tapos ngayon? Ugh! Sinadya ba 'to ng tadhana o nagkataon lang?

Umalis nako sa principal's office pagkatapos pumayag nung lintik na Darryl na yun at nagtungo sa office ko. Pagpasok ko ang dilim, siyempre hindi pa nakabukas ang ilaw. Tss. -_-

Kumuha ako ng baso at malamig na tubig tsaka ako nagsalin sa baso. Umupo ako sa swivel chair at nakatingin sa kawalan. Habang umiinom ng tubig napaisip ako kung paano ako pakikisamahan ni Darryl, sigurado akong mahihirapan siya. Mapakla akong napangiti.

Naisipan kong tawagan si daddy. . .

Ring. . . Ring . . .

Ring. . . Ring. . .

Ring. . . Ring. . .

Bakit ang tagal sumagot ni daddy?

The number you dialed is cannot be reached please try again later.

Nakailang ulit nakong tawag ng tawag pero hindi niya parin sinasagot. Baka alam niya na tatawag ako kaya hindi niya sinasagot.

The number you dialed is cannot be reached please try again later.

"Ughhh!" sa galit ko, tinapon ko ang basong hawag ko sa sahig kaya ayun nabasag.

Sinusubukan talaga ako ni dad. Mabilis kong hinablot ang bag ko at lumabas para magtungo sa parking lot. Kailangan kong puntahan si daddy sa office niya dahil sa kahibangan na ginawa niya.

Sumakay nako sa kotse ko at mabilis ko pinaharurot ito. Wala akong ibang iniisip kundi pagsabihan si dad. Muli kong tinawagan si dad pero cannot be reached parin siya. Kainis.

Mabilis akong nakarating sa company namin at pinunta ang office ni dad. Sumakay muna ako sa elevator at may nagbubulungan sa likod ko.

"Di ba yan yung anak ni Mr. Gomez?" tanong ng isang babae.

"Ang pagkakaalam ko masama daw ang ugali niya" sabi naman nung isa niyang kasama. Kumulo ang dugo ko sa narinig kong bulungan. Hindi nako nag dalawang isip na sagutin sila

"Hindi ba kayo nahiya, kung magbubulungan kayo dun kayo sa labas hindi yung nagbubulungan kayo na nandito ang pinaparinggan niyo. Next time kasi magbulungan kayo yung walang makakarinig sa inyo" sabi ko habang nakatalikod sa kanilang dalawa.

"S-sorry po Ms. Gomez"

"Sorry? Nakakain ba yang sorry mo? Kung gusto niyo pang magtagal dito sa companyang 'to, manahimik kayo."

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ