Chapter 4|Transferee

262 13 0
                                    

Kiko's P.O.V

Amp naman oh! Kanina pa kami nabibilad sa araw ang dami pa kasing sinasabi si Principal Cruz. -_-

"As you've heard we have our new transferee, please all welcome Mr. Darryl Razine Dela Questa." ganyan naman sila eh pinapakilala sa buong school kung may bagong transferee. Halos kada buwan nga may bagong transferee dito, hindi lang isa ,dalawa, o tatlo kundi marami mukhang hindi lalampas sa sampu eh. Ang nakapagtataka bakit mag-isa lang siya?

Nung pumunta sa stage yung sinasabi nilang Darryl, nagpalakpakan lahat ng estudyante dito at nakisali na ako sa kanila

Pagkatapos ng mahabang ceremony nagsibalikan na kami sa mga classroom namin. Bakit wala pa siya ngayon? Siguro na late lang. Hayy.

Ako nga pala si Fransisco Tuason pero tawag nila sakin Kiko. Varsity player ako sa ng basketball team namin at pumapangalawa sa pwesto ni Katalina. Pagmamay-ari ng pamilya namin ang mga restaurants dito sa manila. Kaya ayun, anak mayaman ako hehe.

Pagpasok ko palang sa classroom, lahat ang iingay. Binabanggit nila si Darryl eh hindi naman yun gwapo eh.

"Nakita mo ba si Darryl Dela Questa ang gwapo niya noh!"

"Gaga, malamang nakita namin eh sabay tayong pumunta sa field kanina eh."

"Naman eh!"

"Oo nga! Sana maging classmate natin siya."

"Ang gwapo-gwapo niya talaga."

Porket bago lang siya dito tingin niya ang gwapo niya hindi noh! Ako kaya ang pinakagwapo dito. Psh. -_-

"Pre tingin mo gwapo ba talaga yang si Darryl? Balita ko varsity player daw yon" sabi ni Wilbert. Si wilbert ang natatanging best friend ko dito, marami man akong kaibigan dito dahil varsity ako pero si Wilbert lang talaga ang partner in crime ko.

"Eh ano naman ngayon? Basta gwapo pa rin ako" pagmamayabang ko ayan tuloy binatukan ako.

"Ulol!"

"Totoo naman eh."

Napansin ko nalang na natahimik ang buong klase dahil pumasok si Darryl. Teka.....magkaklase kami? Rinig ko naman ang bulonggan ng mga babae dito.

"Oh my gosh classmate natin siya."
"Oh my kinikilig ako!"
"Wag nga kayong maingay dyan baka marinig tayo." saway nung isa.

Dumiretso lang siya hanggang makarating siya sa bakanteng upuan. Minamalas ka nga naman, magkatabi pa kami. Tss.

"Hi ako nga pala si Darryl Razine Dela Questa you can call me Darryl for short" sabay abot ng kamay niya para magkashake hands kami.

"Ah..... Good morning" bakit ganon ang sinabi ko? Natawa tuloy si Wilbert kaya siniko ko siya ng palihim.

"Pfftt, ano pala ang pangalan mo?" pati tuloy siya natawa din.

"Ah ako nga pala si Wilbert siya naman si Kiko" kahit kailan singit talaga si Wilbert.

"Tinatanong ka ba ha?!" sigaw ko.

"Eh hindi ka sumagot eh kaya ako nalang."

"Tss."

"Nice meeting you Kiko and Wilbert" saka ngumiti lang siya. Mukhang mabait naman siya at parang magkakasundo kami. Sa ngiti palang alam kong mabait siyang kaibigan.

"Nice meeting you too Darryl" Ningitian ko din siya. Tapos nagshake hands kami. Nakisali na rin si Wilbert kaya sinamaan ko siya ng tingin. "What?" nagtanong pa ang loko.

"Wala"

"Welcome to the club!" ani ni wilbert.

"C-club?" ito talaga si Wilbert oh club na namn ang inaatupag.

"I mean welcome dahil friends na tayo ni Darryl, diba?" tinignan niya ako kaya tumango lang ako.

"Nice!" dagdag ni Wilbert.

Mukhang absent ang prof namin ngayon kaya nagkwentuhan lang kaming tatlo. Nakwento niya samin yung buhay niya at marami pang iba. Totoo pala ang sabi ni Wilbert na varsity player siya sa school niya dati.

At ito pa, mayaman sila. Hindi sa pagmamayabang, lahat ang nag-aaral dito puro mayayaman at kasali na kami ni Wilbert dun noh.

Habang nagkwekwetuhan kami nagring ang phone ko kaya kinuha ko iyon. "Wilbert sasagutin ko lang 'to, kayo muna ang magkwentuhan dyan sa labas lang ako." paalam ko sa kanila tumngo lang si Wilbert at saka ako lumabas.

Paglabas ko tinignan ko agad ang phone ko kung sinong tumawag. Pagkakita ko bigla akong kinabahan, eh kasi si master ang tumatawag at agad ko namang sinagot ito.

["Hello master"]
["Balita ko kaklase niyo ang baging trasferee tama ba?"]
["O-opo, bakit po?"]
["Send him to my office after dismissal"] diretsang sagot niya. Alam niyang lalaki si Darryl? Paano niya nalaman eh late siya?

["Sige po dadalhin ko po siya mamaya"] paano ko siya kukumbinsihin? Ihhh ang hirap bat ako pa ang inutusan. Aish!

After ng tawag bumalik nako sa classroom ay nakita ko pang naguusap sina Darryl at Wilbert kaya dumiretso nako sa upuan ko.

"Sinong tumawag?" bungad ni Wilbert sakin pagkaupo ko.

"Si master" tipid na sagot ko.

"Ano daw sabi?" tanong niya ulit.

"Wala ka na dun tsaka bakit tanong ka ng tanong ha?!" batukan ko kaya siya para di na magtanong?

"Sinong master? May master kayo rito?" takhang tanong ni Darryl.

TO BE CONTINUED........

A/N:

Abangan niyo ang next chapter hihi.❤

Ps: Every hapon po ako mag-uupdate.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now