Chapter 15|Monster

137 9 0
                                    

Darryl's P.O.V

Shit! Sobrang shit! Paano na yan eh nasabi ko na kila Kiko ang pagtuturo ko sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Nakalumbaba ako ngayon sa arm chair ko. Paano kung malaman niya? Anong sinasabi niyang surprise?

Wala akong ganang makinig sa mga lessons ngayon kasi kinakabahan ako. Kinakabahan na natatakot? Lumapit sakin si Kiko at nagtanong.

"Oh ikaw na naman ang tahimik dyan, anong nangyari sayo? May problema ba?"

"Kinakabahan kasi ako" mahinang sagot ko.

"Kinakabahan? Bakit naman?"

"Ah basta" hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kiko ang problema ko baka madamay pa sila.

"Kinakabahan ka siguro dahil sa panliligaw mo noh? Pwede namankitang tulungan dyan, expert kaya ako sa mga bagay na ganyan" pagmamalaki niya. Expert? Niloloko lang ata ako nito eh.

"Sira! Wala akong nililigawan. Teka, expert? Ni wala ka ngang girlfriend eh."

"Oy nagkaroon kaya ako ng girlfriend...." huminto siya saglit.

"Dati" sabi ko.

"Oo dati."

"Hindi panliligaw ang problema ko."

"Ano naman?"

"Basta" pansenya na talaga Kiko.

"Tara?" pag-aayaya niya.

"Sa cafeteria, lunch break na Darryl" sa pagkakatulala ko hindi ko na namalayan ang oras. Lunch na pala? Ang bilis ng oras.

"Ah sige tara na."

Pagkarating namin sa cafeteria konti nalang ang mga tao dito. Nasan kaya si Wilbert? Hindi ko pa siya nakita simula kanina pagkatapos ng klase. Baka nang-chicks ang isang yun.

"Nasan si Wilbert?" tanong ko.

"Bumili ng pagkain natin" ha?

"A-ano?"

"Bumili siya ng pagkain natin kasi kanina ka pang balisa kaya inutusan ko siyang bumili ng pagkain. Nagmamaktol pa nga yun eh" natatawang sabi niya.

"Salamat sa inyo ha."

"Sus ano ka ba kaibigan ka namin noh" napangiti nalang ako.

Laki ang pasasalamat ko na nagkaroon ako ng kaibigang tulad nila. Na inaalala ang problema ko. Na parating nandyan para sakin. Sobrang nakakataba ng puso yung ginagawa nila. Simpleng bagay na labis ikinatutuwa mo. Isa na talaga ako sa mga pinakaswerteng tao dito sa mundo.

Sus ang drama ko naman.

Ilang saglit pa ay dumating na si Wilbert dala ang mga pagkain namin. Alam talaga nila ang paborito kong kainin. Pagkain na may okralang naman. I love okra.

Laki rin ang pasasalamat ko na wala si monster este si master pala. Takot akong makita siya hindi dahil sa guilty ko (kahit totoo naman) kundi takot lang talaga ako. Bakit naging monster nalang ang tawag ko sa kanya?

"Anong tinuro mo kay master kanina?" si Wilbert na ang nagtanong nang simula na kaming kumain.

"Si monster ba?" tanong ko.

"Sinong monster? Master" pagco-correct ni Wilbert.

"Ah wala" simpleng sagot ko.

"Anong wala?!" sabay pa silang nagtanong. Tss.

"Wala pa akong tinuro sa kanya, nagpakilala lang kami sa isat-isa yun lang" paliwanag ko.

"Ahh" nagkamot pa sila ng ulo. May kuto ba sila?

Matapos naming mag-usap at kumain ay lumabas narin kami sa cafeteria.  Papunta na kami ngayon sa classroom namin kasi si terro este si Mrs. De Leon ang prof namin after ng lunch.

Pagkatapos ng klase namin ni Mrs. De Leon na mukha talagang leon ay nagsimula na naman akong kabahan. Bakit kinakabahan ako ng ganito? Parang hindi ko na gutong pumasok sa last subject ko? (Classmate niya kasi si Ria/Master/Katalina sa last subject.) Baka magka-offence na naman ako, wag nalang. Papasok ako that's final!

Bumuntong hininga muna ako at tuluya ng naglakad papunta sa classroom ni monster este master pala. Ano ba yan bakit monster na ang tawag ko sa kanya?

Pumasok nako sa loobng classroom nina master. Diretso lang ang lakad ko na nakayuko, ayoko kasing makita si master. Umupo nako sa upuan ko na nasa likod lang ng upuan ni monster este master pala.

"Wala ka bang pinagsabihan?" halos tumalon ang dibdib ko sa kaba. Nakaupo lang siya sa harap ka na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Kaya ko tong lusutan. Fighting!

"W-wala po monster."

"Monster?" Shit narinig niya!

"Ah ang ibig kong sabihin wala po master" pagsisinungaling ko.

"Good" nakahinga ako ng maluwag sa niya. Yes lumusot ako!

"Pag nagtangka kang sabihin sa kanila, good luck nalang sayo" pagbabanta niya. At least hindi niya nahalata. Nahalata niya kaya ako? Tumango nalanv ako bilang sagot kahit hindi siya nakatingin sakin.

"Monster kailan kaya ang reporting natin?" mahina kong tanong kasi nasa kalagitnaan kami ng klase.

"Stop callingme monster! Hindi ako monster!" Uh oh. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Ugali mo kasi parang monster" mahinang bulong ko.

"Ano?!" sigaw niya.

"Miss Gomez keep quite" sita ni Prof Ruiz. Naningkit ang mga mata niya nang tumingin ito sa akin. Mukhang ako ang mapag-initan ng ulo ni monster este ni master. Bakit monster nalang palagi? Napapahamak ako nito eh.

Master not monster.

A/N:

Happy 100 and more reads hehe💯
Keep reading and voting hehe!
~








My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu