Chapter 16|Smile

125 7 0
                                    

Katalina's P.O.V

Nagising ako hindi dahil sa sinag ng araw kundi sa ingay na narinig ko. Ang aga-aga ang ingay. I hate mornings.

"Ria wake up it's already 7 am" kahit kailan ang ingay talaga ni ate. Siya lang ang gumigising sakin pag late nako. Ni hindi ko pa nakitang tahimik 'to eh pwera nalang kung problemado.

"Kita mo bang inaantok pa ako?" inaantok na tanong ko. Inilagay ko sa ulo ko ang unan para hindi ko marinig ang ingay niya at binalot ko sa sarili ko ang comforter.

"Gusto mo bang madisappoint si daddy sa ginagawa mong yan ha?" Hinila niya ang comforter na nakabalot sa katawan ko pati narin ang unan ay kinuha niya rin. Pinipilit niya talaga akong magising at hindi yan susuko hanggang sa tuluyan nakong bumangon.

"Fine. Tss" bumangon nako at inayos ang gusot kong damit. Hindi talaga ako mananalo kay ate, tss. Hanggang sa banyo ay dinalaw parin ako ng antok. Sa katunayan ay nagsho-shower ako na nakasarado ang mga mata ko.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si ate na nakahiga sa kama ko. Anong ginagawa niya parin dito? Akala ko lumabas na siya ng kwarto ko matapos kong pumasok sa banyo, hindi pa pala. Hindi pa ba siya nakuntento? Haist.

"Bakit ka pa nandito?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

"I'm just guarding you baka hindi ka pa pumasok" nakangisi niyang sagot.

"Whatever ate, umalis ka na nga magbibihis na ako. Alis!" pagtataboy ko. Pinagtutulak ko siya palabas sa kwarto ko, alangan namang magbabantay pa siya pag magbibihis ako? No way! Ugh!

Dali-dali akong nagbihis ng uniform habang yung mga mata ko naman ay ayaw magsidilat. Antok na antok pa talaga ako. Matutulog nalang kaya ako sa office maghapon?

Lumabas na ako sa kwarto ko at naabutan ko si ate na prenteng nakasandal sa gilid ng pader nh kwarto ko. Kumunot ang noo ko sa inasta ni ate. Bakit magkaganyan yan?

"Oh hanggang dito ba naman nagbabantay ka parin?" tanong ko.

"Para pumasok ka lang" balewalang sagot niya sakin. May pasipol-sipol pa siyang nalalaman.

"Ito na nga papasok na. Mayasa ka na?" umirap ako sa kanya.

"Tara na sa baba ang bagal mo kasi eh." Ito talagang!

Nagsimula na kaming bumaba at dumiretso na sa kitchen. Nagawa ko na ring kumain at pagkatapos kong kumain ay iniwan ko na ang pinagkainan ko kasi late na late na talaga ako.

Sumakay na agad ako sa kotse at pinaharurot ito.

"Good morning master."

"Good morning po master."

Hindi ko na pinansin ang bumabati sa akin. Diretso lang ang lakad ko papunta sa office ko. Pagpasok ko sa loob ay binagsak ko na ang katawan ko sa mahabang sofa dahil inaantok pa talaga ako. Wala akong pakialam kung hindi ako papasok dahil master ako dito eh. Pwedeng hindi ako pumasok sa mga klase ko kahit kailan ko gusto.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now