Chapter 9|Rule Number 2 & 3

158 8 0
                                    

Katalina's P.O.V

["Siguraduhin niyong nakalabas na sa university si James kundi malilintikan kayo sakin."]

["Opo master"] sabi ng isa sa tauhan ko. Ibinaba ko na ang tawag baka umabot pa 'to sa ligawan. Charot!

Siguro naman nagsisisi na James siya sa ginawa niyang paglabag sa rule number 1. Ngayon may susunod pa ba sa kanya?

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon papunta sa Secrer Place ko. Tanging ako lamang ang nakakaalam dito sa lugar na 'to. Hindi mo siya mapapansin dahil kasi madaming ligaw na damo ang nagkalat rito. Hindi rin ito pinupuntahan ng mga estudyante dito kasi nasa madilim na parte ito ng university. Ang creepy di ba?

Pagdating ko dumaan ako sa gilid na may bakal na gate. Pagpasok ko namangha ako sa nakita ko kasi  maganda parin siya tingnan simula nung huli ko itong nakita last day ng school last year. Ngunit may nalalagas na dahon narin na ikinaganda ng lugar.

I miss this peaceful place.

May makikita kang wishing well na kung saan pwede kang magwish. May isang bench rin dito kaya umupo muna ako. Hindi rin masyadong mainit dahil napapalibutan ito ng mga punong-kahoy. Nilapitan ko ang nag-iisang swing dito, nagswing ako habang nakatingala sa langit.

"Mommy kamusta ka na dyan? Kung okay ka lang ako hindi kasi nami-miss na kita" maluha-luha kong sabi. Ngayon lang ako naging emosyonal kasi hindi ako iyaking tao.

"Ang daya mo naman mommy eh," tumigil muna ako. "Ang daya mo kasi iniwan mo kami ng basta-basta" hanggang ngayon umiiyak parin ako.

"Mommy alam niyo po lumago ang companya nila daddy at ate. nagpunas muna ko ng luha. "Alam ko po na ginagabayan niyo kami at sana nandito kayo para makapag-celebrate tayo kaso wala ka na eh kaya kami nalang tatlo kasama na rin si Yaya Yssa kaya apat na kami hahaha" para akong baliw, tumatawa na naiiyak.

"Sige na po mommy aalis na po ako para manghuli ng rule violators haha. Bye!" pinunta ko muna ang wishing well. Gusto ko sanang magwish kaso wala akong barya kaya sa susunod nalang.

Pag-alis ko sinarado ko na ang gate para walang makapasok, mahirap na. Dumaan ako sa dinaanan ko kanina para mapadali ako. Nakarating nako sa main building ng university nang may naring ako.

"Sigurado ka bang papasok  ka na hindi ka nak-uniform at naka-ID? Baka mahuli ka ni master" sabi ng babae.

"Hindi naman ako magpapakita eh" sabi naman nung isang lalaki.

"Kahit na, baka mga tauhan niya ang makahuli sayo" labag man sa kalooban ko ang makinig sa usapan pero kinakailangan eh. Kami lang tatlo dito kasi ang lahat nasa cafeteria.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon