Chapter 19|Thoughts

97 8 0
                                    

Darryl's P.O.V

Minsan may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan. Tulad nito, may foundation day na magaganap. Tutal malayo pa naman ito pero parang pinaghahadaan nila ito.

Masquerade ball?

Bakit kailangan pa magkaroon ng ganyang ball? Hindi naman kami high school para magkaroon ng ganyan. Baka JS Prom ang tinutukoy ko? Ang layo ng JS Prom sa Masquerade Ball. Tss.

Ang ibang mga estudyante dito sa Normal High ay ang laman ng bibig nila ay tungkol sa darating na Masquerade ball. Excited? Eh ang layo layo pa nun noh!

Siguro hindi na ako pupunta sa ball na yan kasi hindi naman ako marunong sumayaw. Mapapahiya lang ako dun at sa babaeng kasayaw ko. Sino naman kaya ang babaeng yun?

Si Kiko kaya at si Wilbert pupunta? Matanong nga.

"Wilbert pupunta ka ba sa ball na sinasabi nila?" tanong ko.

"Oo naman noh, maraming chicks na pupunta kaya hindi ko yun palalampasin" umawang ang bibig ko sa sinabi niya.  Seryoso ba siya?

"Chicks na naman ang inaatupag mo palibhasa wala ka namang girlfriend" tumawa na kami ni Kiko sa sinabi niya.

"Shut up Kiko."

"Totoo naman eh" tumatawa parin siya.

"Psh! Ikaw Darryl pupunta ka?" tanong ni Wilbert na kanina pang kumakain. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyan kaming kumakaing tatlo.

"Hindi eh, hindi naman ako marunong sumayaw. Mapapahiya lang ako dun."

"Sus, ako nga eh hindi marunong. Sayang ang chicks dun" napangiwi nalang ako.

"Ikaw Kiko pupunta ka?"

"Oo, basta nandun si Ria."

"Ha?" sabay pa kami ni Wilbert nagtanong.

"Ah... ang ibig kong sabihin, pupunta ako dun basta nandun si Wilbert. Di ba?" kumindat pa siya kay Wilbert at si Wilbert naman parang naguguluhan.

"Ahh akala ko kung anong sinabi mo yan lang pala" sabi ko.

"Bakit hindi ka pupunta Darryl?" tanong sakin ni Kiko.

"Paulit-ulit nalang ba Kiko? di ba sinabi na kanina ni Darryl na hindi siya pupunta dahil hindi siya marunong sumayaw!" sabi ni Wilbert. Hindi na napigilan ni Kiko ang kanyang sarili dahil binatukan na niya ito. Natawa nalang ako sa kanila.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now