Chapter 5|Transferee Part 2

228 14 0
                                    

Bago niyo po basahin paki vote nalang po at comment. ^_^

Thank you!

Darryl's P.O.V

"Sinong master? May master kayo rito?" takhang tanong ko. Bakit may master eh eskwelahan to. Nakita kong nagkatinginan sina Wilbert at Kiko.

"Ah..... kasi..... ano.....wala yun baka guni-guni mo lang" sabagay bakit magkaroon sila ng master eh eskwelahan nga 'to.

Hindi pumasok ang prof namin sa first subject kaya nag-usap-usap muna kaming tatlo rito. Marami rin akong nalaman sa mga buhay nila tulad ng negosyo nila. Si Kiko may-ari sila ng mga restaurants dito sa manila at si Wilbert naman ay may-ari ng bar at casino. Nung nagbell na ay nagprepare na kami para sa next subject namin kasi sabi ni Kiko terror daw yung prof namin kaya ayun.

"Good morning class" nagsitayuan na kami dahil pumasok na si terror este si prof. Mukha palang mataray na mataray talaga parang sinakluban ng langit at lupa.

"Good morning Mrs. De Leon" may katandaan na rin siya at kulubot na ang mukha. Sa tono ng boses niya alam niyo na kung gaano siya kaistrikta.

Mukhang mahihirapan ako nito.

Nagsiupuan na rin kami sa aming upuan.

"By the way we have a new transferee so please come in front and introduce yourself" alam ko ako ang tinutukoy niya, hindi naman ako tanga. -_- Tumayo ako at nagsimula nang humakbang palapit sa gitna.

Bawat hakbang nararamdaman ko ang kaba, takot at iba pa. (shy type akong tao eh) Bawat hakbang na ginagawa ko nakatingin ako lagi sa mga classmate ko na pawang binabalaan ako na 'mag-ingat ka nakakatakot yan'. Hanggang sa makarating ako sa gitna, parang bumibils ang tibok ng puso ko dahil sa kaba daig ko ang tumatakbo sa open field. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Fighting!

1

2

3

GO!

"Good morning everyone, I'm Darryl Razine Dela Questa. 21 years old from Quezon City" teka, parang may kulang sa pagpakilala ko ah.

"Say something about yourself" sabi ni prof. Kaya pala may kulang. Anong sasabihin ko?

...
...
...
...
...
...

Alam ko na!

"I like basketball. I also like surfing, surfing in the internet kumbaga. My favorite vegetable is okra. And last but not the least, hobbies ko rin ang nanood ng k-drama. Oppa!" nagfinger heart pa ako.

Lahat sila nagtawanan sa sinabi ko. May nakatawa ba? Wala naman ah.

"Si Darryl mahilig sa k-drama wahahaha" natatawang sabi ni Wilbert.

Eh?

"Class quite!" natahimik sila bigla dahil sa sigaw ni prof at ang iba naman nagpipigil ng tawa.

"Go to your chair now Mr. Dela Questa" utos niya kaya naglakad ako pabalik aa kinauupuan ko.

Nakita ko naman silang Kiko at Wilbert na nagpipigil ng tawa nila. Mga baliw!

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now