Chapter 52

70 5 0
                                    

A/N: This chapter was a flashback that happens in the year 1987. So expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Ps: Malapit-lapit na po tayo sa Epilogue!

Third Person's POV

1987...

"May bagong lipat daw dito sa paaralan natin." Sambit ni Pedro, kaibigan ni Ramon.

"Sino raw?" Tanong ni Ramon sa kausap.

"Kilala ko siya. Sa katunayan nga ay kaklase ko siya sa isang major subject at naging kaibigan ko na rin." Biglang sambit ni Elizabeth habang ang kamay nito ay nakapulupot sa makisig na braso ni Ramon.

Si Elizabeth at Ramon ay matagal nang magkasintahan. Mag-iisang taon na sila. Kilala si Elizabeth sa buong paaralan dahil sa angking ganda nito. Si Ramon naman ay kilala dahil sa matikas na pangangatawan nito, gwapo, mabait at anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan nila. Bagay na bagay sila sa isa't-isa at parang nasa kanila na ang lahat ng katangian ng isang babae at lalaki.

"Babae ba? Ano ang pangalan niya?" pagtatanong ni Pedro sa dalagang si Elizabeth.

"Katherine ang pangalan niya." Agarang sagot nito.

"Pakilala mo naman sa akin oh."

"Sige ba. Ipapakilala ko siya sa inyo mamaya." Nakangiting sambit ni Elizabeth na hindi pa rin inaalis ang pagkakapulupot ng kamay sa braso ng kasintahan. Marahan namang hinahaplos ni Ramon ang makintab at mahabang buhok ng kasintahan.

Biglang tumunog ang kampana ng eskwelahan. Indikasyon na pumasok na sa susunod na subject.

Mabilis silang nagpaalam sa isa't-isa. Binigyan ni Ramon ng isang mabilis na halik sa labi si Elizabeth at agad namang nag-init ang pisngi ng dalaga.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ng dalaga dahil sa kilig na nararamdaman nito. Ito rin ang araw na magdidiwang sila ng kanilang ikalabing-isang buwan bilang magkasintahan. Nasasabik na siyang makasama ulit ang kasintahan.

Nang mapasok na siya sa silid-aralan ay nakita niyang kumakaway sa kanya ang bago niyang kaibigang si Katherine. Kumaway siya bilang ganti at nakangiting nilapitan ito.

"Oh, kumusta? Ayos lang ba ang pangalawang araw mo dito? Wala bang nang-aaway sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ni Elizabeth. Natawa na lamang si Katherine sa inasal ng kaibigan.

"Wala naman, ang babait nila sa akin." Nakangiting sambit ni Katherine. Mahinhin si Katherine pero sobrang ganda nito. Magkalebel lang sila ng ganda ni Elizabeth kung tutuusin.

"Mabuti kung ganoon dahil kung hindi, babalatan ko sila ng buhay." Pabirong sambit ni Elizabeth. Natawa sila pareho sa sinabi ng dalaga.

"Salamat talaga at naging kaibigan kita..." sambit ni Katherine.

"Naku wala 'yon, ano! Tsaka you deserve this kind of treatment."

Nang sambitin 'yon ni Elizabeth ay bigla na lang siyang niyakap ni Katherine at walang tigil itong pagpapasalamat sa kanya. Dumating na ang prof nila kaya hindi na nila naituloy ang dramahan.

Walang kamalay-malay si Katherine at sinusuri ni Elizabeth ang kabuuan ng kaibigan. Masasabi niyang maganda rin ito at matalino pa.

Pero hindi niya maalis sa kanyang isipan habang tinititigan niya ang kaibigan, na baka mapunta kay Katherine ang atensyon ng lahat lalo na't may ikakabuga rin ito. Napailing na lang siya at ininuon ang atensyon sa prof na nagtuturo.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now