Chapter 27|Big Announcement Part 3

96 8 0
                                    

Ito na talaga promise! Hehehe

Katalina's P.O.V

Lubos akong napa-isip. Tama ba ito? This will be work?

Huuuu! Hirap!

Nakalumbaba ako ngayon sa desk ko habang malalim ang iniisip. Hindi ko muna tinuon ang atensyon ko kay prof na nagkaklase ngayon.

'Paano ko sasabihin ang mga salitang bibitawan ko mamaya na hindi sila maapektuhan? I mean, paano ko ia-approach sa kanila yun?'

Nasa ganon akong sitwasyon nang tanungin ako ng Ashley.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" si Ashley.

"..."

"Ah sige hehehe." Tinuon niya lang ulit ang atensyon niya kay prof.

Hindi ko pa nga sinasagot yung tanong niya nag salita na siya agad.

Alam kasi niya na kapag malalim ang iniisip ko, hindi ako nagpapa-istorbo kaya ganon nalang ang sagot niya.

Kilala na talaga ako neto...

DISCUSS

DISCUSS

SHORT QUIZ

LUNCH BREAK!

Sa Cafeteria...

"Ria parang hindi ka mapakali dyan ah . Kanina ka pang kutkot nang kutkot ng kuko dyan" sabi ni Ashley.

Pati ba namang kuko napansin niya?

"Ah wala" nasabi ko nalang.

"Sabihin mo nalang kaya sakin, kanina ka pa ganyan simula nung umalis tayo kanina dito sa cafeteria. Di ba kanina tawa ka pa ng tawa? Bipolar ka rin ano?"

"Just don't think about it. Ako nang bahala dito."

"Bahala? Ano bang gagawin mo?"

"Tch! Don't make me pressure please?! I don't know what to do!" inis na sabi ko.

"Eh ano nga?"

"Tch! Fine! Gagawin kong ass-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may biglang lumapit sa akin.

"M-master may nagpapabigay po" sabi ng lalaki. Estudyante rin siya rito.

Darryl's P.O.V

"Ano pre masaya kayo sa ginawa natin kanina noh?" tanong ni Kiko samin ni Wilbert.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now