Chapter 24|Guide

95 5 0
                                    

Sa gustong makakita ng pictures ng main characters ng MBIMA visit my instagram account @iam_sayex15 posted na siya!

ENJOY!

~

Katalina's P.O.V

Nakalabas na kami ng ospital kahapon ng umaga at hindi ako nakapasok kahapon. Nagpahinga lang ako buong maghapon at bored na bored ako nun.

Kamusta kaya sila?

Kamusta kaya siya?

Mali ang iniisip niyo! Ano ba kayo!

Ngayon na araw ng pagbabalik ko. Anudaw? Babalik na ako sa nakagulian ko. Bantay, aral, bantay at aral. Paulit-ulit nalang.

Minsan natanong ko rin sa sarili ko na napapagod ba ako sa ganito? Yung palaging bantay nang bantay sa mga pasaway na estudyante at pagiging estudyante na rin.

Kahit ano pang sabihin ko ay wala parin akong magagawa. Masaya naman ako sa ganiyo eh.

Madalang na rin akong nakakahuli ng pasaway na estudyante kaya nakapagtataka lang.

Nakapasok na ako entrance ng gate at nakasalubong ko si Ashley na tila hinahanap yata ako. Anong nangyari nito?

"Riaaaa!" sigaw niya.

"Oh bakit?"

"Grabe namiss kita" hinihingal pa siya. Tumatakbo kasi siya papalapit sa akin.

"Isang araw lang akong nawala kung makamiss ka dyan parang wala ng bukas."

"Eh bakit ka ba absent kahapon?"

"Ah...masama lang ang pakiramdam ko" ayokong sabihin sa kanya ang nagyari sa akin kahapon kaya nagsinungaling ako. Napakagat labi nalang ako.

"Talaga?"

Maniwala ka please!

"Oo, masama talaga ang pakiramdam ko."

"Ah okay" yes!

"Anong nangyari kahapon habang wala ako?" bumalik na ako sa pagiging cold ko.

"Wala naman..."

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Wala talaga."

"Siguraduhin mo yan ha?"

"Oo naman" naglakad na kami papuntang classroom. Tahimik lang kaming naglalakad at may ilan pang bumabati sa akin na ini-isnoban ko lang. -_-

Agad rin kaming nakarating sa classroom at naupo na sa silya. Inilagay ko nalang ako earphones ko at nagbasa para advance reading ko nalang ito.

Habang nagbabasa ako may kumalabit sa akin. Hindi ko nalang pinansin kasi alam kong si Ashley lang yun. Pero, habang patagal nang patagal ay lumalakas ito kaya agad kong hinubad ang earphones ko at lumingon sa likod ko. Sa likod ko mismo!

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now