Final Chapter

165 10 1
                                    

A/N: Hi! This is the last chapter of MBIMA. Wala po itong Epilogue since hindi ako naglagay ng Prologue. And please listen to this song: Thank you for loving me by Bon Jovi para mas dama niyo 'yong chapter na ito. Again, thank you for reading!

Sorry sa mga errors!

Katalina's POV

3 years later...

"Ma'am nandito na po ang pinadala niyo."

Nagpipirma ako ng mga dokumento nang magsalita ang secretary ko sa labas ng aking opisina.

"Pasok ka," sambit ko nang hindi inaalis ang tingin sa pinipirma ko.

Nang maramdaman kong nakapasok na siya sa opisina ko ay saka ko lang siya binalingan ng tingin. May hawak siyang isang bouquet ng bulalak at sinenyasan kong ilapag ito sa mini table ko.

"Thank you."

"Uhm.. Ma'am?"

"Yes?"

"Para kanino po itong pinabili niyo? Kay Sir Tuason po?" Mapanuksong tanong niya at may sumilay na ngisi sa kanyang mga labi.

Natawa ako nang mahina. "No. I am going to visit my late friend."

Because this day is his 3rd death anniversary.

"Ah.." tumatangong sambit niya. Paalis na sana siya ng opisina kaya tinawag ko siya.

"Bakit po?"

"Maaga akong uuwi ngayon. Kapag may documents akong pipirmahan, ilagay mo na lang sa table ko at ako na ang bahalang pumirma nito bukas." Bilin ko at agad naman niyang nakuha 'yon.

Kinuha ko ang aking hand bag at bulaklak at nagmamadaling umalis ng opisina. Agad akong sumakay sa aking kotse at pinaharurot ito papunta sa sementeryo.

Ashley is calling...

Agad kong sinagot ang tawag at hinintay ang sasabihin niya. Alam kong bawal gumamit ng telepono habang nagda-drive pero wala akong choice.

"Nakadalaw ka na ba?" Tanong niya.

"I'm on my way na. Kayo?" Sagot ko sabay tingin sa daan.

"Kakauwi lang namin. Sabay kaming dumalaw nina Kiko dahil may meeting daw siya mamaya kaya napaaga ang dalaw niya."

"It's okay. Sige ibaba ko na ito, malapit na ako sa sementeryo."

"Sige, ingat ka!"

Binaba ko na ang tawag at pinark ang sasakyan ko. Dala-dala ang bulaklak ay naglakad ako patungo sa puntod ni Darryl. May nakikita akong mga tao dito sa sementeryo at dumadalaw sa kanilang mga kamag-anak o kakilala.

Nang marating ko na ang puntod niya ay napaupo ako sa bermuda grass, hindi inaalala na madudumihan ang suot kong jumpsuit. Nakita ko rin ang mga bulaklak na nagkalat sa paligid ng lapida niya at ang mga nakasinding kandila.

Hindi ko maiwasang haplusin ang lapida niya na gawa sa marmol. Nakaukit doon ang napakaganda niyang pangalan.

Darryl Razine Dela Questa

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon