Chapter 10|Rule Number 4 & 5

135 7 0
                                    

Darryl's P.O.V

Grabe yung nasaksihan ko kanina, ang lupit talaga ni Katalina. Biruin mo sa isang araw dalawa na ang nakick-out niya. Bukas kaya ilan?

Habang nag-uusap-usap ang mga kaklase ko tungkol sa report nila, kami ni Katalina este master ang tahimik. Nakakatawa nga eh kasi kapag lumalapit si Prof. Ruiz kusa siyang magtatanong sakin tulad ng 'anong gagawin natin sa reporting?' ' ikaw na bahalang mag-asikaso ng mga ganyan, ako naman' with matching drawing pa yun ha. Kaya sinasabayan ko nalang siya sa trip niya para hindi siya napahiya. Kapag umaalis naman si Prof. Ruiz babalik siya sa aura niyang seryoso at tahimik. Nakakatawa di ba?

Hanggang sa matapos ang class namin (kasi last subject namin si Prof. Ruiz sa hapon) kinausap niya ako. Sabi niya saka nalang daw namin pag-usapan ang report namin tutal malayo pa naman at mukhang sisiw lang daw sakin. Nanginginsulto ba siya?

Matapos nun umuwi nako kasi ayoko na madagdagan ang mga problema ko. Pagka-uwi ko sa bahay nag hapunan ako tsaka natulog narin kasi friday bukas at PE namin.

Kinabukasan. . . . .

Maaga akong nagising ayoko kasing ma-late diba nasa rules yun 'Late comers'. Agad akong naligo at nagbihis tsaka bumaba na para magbreakfast. Matapos kong magbreackfast, sumakay nako sa kotse ko at pinaandar ito.

Pagdating ko sa EDSA ang traffic! Anak ng! paano na 'to? Lumipas ang 30 minutes ang bagal parin ng usad ng sasakyan.

"Ughhh may forever talaga sa EDSA!" pinapindot-pindot ko pa ang manibela.

Hanggang sa lumipas ang isang oras. . .

"Late nako!" naiinis na sabi ko. Maaga nga akong gumising para hindi ma-late pero ngayon? Ugh!

Pagdating ko sa school naabutan ko si master na naghihintay sa gate para sa mga late comers, kasali nako dun. Para siyang security guard sa lagay niya hahaha! Peace!

"Good morning master" bati ko.

"Bago ka palang pero lumabag ka na agad sa rule number 5, alam mo naman ang ibig sabihin nun noh? tuloy tuloy na sabi niya.

"Opo."

"Good, umalis ka na dyan" ang sungit!

Pagpasok ko sa classroom lahat sila busy'ng busy. Anong nangyayari? May alam ba sila na hindi ko alam?

"Oh Darryl hindi ka pa maghahanda?" tanong ni Kiko.

"Anong ihahanda ko? Wala namang fiesta ah."

"Sira! Ang ibig kong sabihin, hindi ka ba maghahanda kasi may basketball training tayo diba varsity ka dati?"

"Oo."

"Yun naman pala eh kaya halika na" aya niya.

Mabuti nalang may dala akong jersey dahil kung wala, nganga ako. Pumunta kami sa gym nitong school. Ang laki pala dito. Nakita ko ang mga babae na nagsisigawan.

"Galingan mo Kiko my labs!"

"Papa Wilbert galingan mo!"

"Sasali ba si Darryl dito? Oh my Darryl galingan mo!" dinamay pa ako?

Nagsimula na kaming magtraining, ang gagaling pala nila pati na si Kiko at Wilbert. Ilang oras rin ang lumipas ay natapos rin ang training namin. Nakuha si Kiko bilang team captain at kaming Wilbert ay nakuha rin.

Nakaupo kami ngayon sa isang couch at pinagmamasdan ang iba pang naglalaro habang nagpupunas ng pawis. May volleyball training rin at kasali si. . . .master? Ang galing pala niyang maglaro. Halos lahat ng puntos galing sa kanya. Ang galing!

Pinagmasdan ko siyang maglaro at talagang magaling siya. Kada pumupuntos siya, chill lang siya hindi kagaya sa iba na nag-aangas pa. Kaya nung natapos ang game nila, si master ang nakuhang team captain nila.

Naglaro rin ang volleyball boys, ang gagaling rin nila. Bakit ang gagaling ng mga taga Normal High? Balita ko palaging champion ang Normal High sa basketball, volleyball at swimming.

Sa kalagitnaan ng laro, may biglang sumigaw. Lahat ng atensyon nakatuon sa kanya.

"Ang lampa mo kasi ayan tuloy tambak na tayo!" sigaw nung lalaki. Lahat ng tao napatingin sa kanya.

"Hindi ko naman kasalanan eh" sabi nung isang lalaki. Siya siguro ang nasigawan.

"Ano?! hindi mo kasalanan? Nahihibang ka na ba ha? Eh ang lampa lampa mo eh. Lampa! lampa! lampa! lampa! lampa!"

Naawa ako dun sa lalaki eh ikaw kaya ang sigawan sa harap ng maraming tao?

Manhid lang ang hindi marunong maawa.

"Ano iiyak ka? Eh bading pala
'to eh!" nakita kong naiiyak na yung lalaki. May lumapit na babae sa court.

"Kung makapagsabi ka akala mo kung sinong magaling" napatingin kami dun sa babwng nagsalita.

"M-m-master" gulantang na sabi nung lalaking nang-api.

"Ako nga, kung anong lakas ng sigaw mo kanina yun namang hina ng boses mo ngayon. May tanong ako, sino sa inyong dalawa ang lampa?" pumapagitna siya sa dalawa. Nasa harap niya ngayon ang lalaking nang-api. Kami naman ngayong tahimik lang.

"Siya!" tinuro niya yung inapi niya.

"Mali, ikaw ang lampa. May lampa bang naglalaro ng volleyball? Hindi ka nababagay dito" tuloy-tuloy niyang sabi.

"Dahil lumabag ka sa rule number 4---" dagdag niya pero inunahan siya ng lalaki.

"Ano?! Hindi ako lumabag, pinagsabihan ko lang siya."

"Talaga? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

Napayuko nalang yung lalaki. Nagsisisi siguro siya sa ginawa niya, dapat lang noh inapi niya yung lalaki na walang kalaban-laban.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Master.

"P-paulo Buenavedes po."

"Well, second offense mo pa lang kaya ligtas ka pa. At ikaw," nilapitan niya yung lalaki na sinabihan ng 'lampa'. " . . .wag kang magpapaapi sa kanila, lumaban ka. Walang taga Normal High ang mahina. Naintindihan mo?" sabi niya.

"O-opo master."

"Good, kaya bumalik na kayo sa laro niyo at ikaw naman
Paulo Buenavedes umalis ka na dyan hindi ka nararapat dyan. Now go."

Umalis na puno ng pagsisisi ang mukha na nagngangalang Paulo. Lahat naman ng tao dito ay nagsibalikan sa mga kinauupuan nila na para bang walang nangyari kani-kanina lang.

Hindi ko talaga maisip kung bakit ganon sila. I mean, bakit nilalampasan lang nila ang mga pamgyayari sa paligid nila?

Takot ba sila kay master? Malamang oo, tong shungang 'to.

-
tiramissyoulikecrazy

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα