Chapter 30

91 6 0
                                    

Katalina's P.O.V

Nagstart na kaming magpractice at magseserve na sana ako ng bola ay nakita ko si Darryl na nakaupo sa bench.

'Akala ko ba ay nakauwi na 'to?'

Agad ko namang iniwas ang tingin ko at tinuon ang atensyon sa bola. Habang hawak hawak ko ang bola ay lumalabo na talaga ang paningin ko..

Minulat ko ng malaki ang mga mata ko para di ko yun maramdaman. Kinalaunan ay nagserve na ako at pumasok naman at nagtuloy tuloy na kami sa laro.

Nakikita ko pa rin siya sa peripheral version ko na nakatingin siya sa akin at hindi ko na yun pinansin pa.

Lumipas ang oras ay natapos rin kami sa practice...

At wala na si Darryl sa bench na kinauupuan niya kanina..

"Okay guys...tomorrow morning ang practice natin.." si Coach.

"Bakit naman po?" sila.

"Kasi wala ako sa hapon kaya sa umaga nalang.."

"Ah.. ganon po ba. Eh paano po ang classes namin?"

Nanatili lang akong tahimik at nakikinig lang sa kanila..

"Kaya ako natagalan kanina kasi kinausap ko pa si Dean na ipagpaalam kayo na bukas ng umaga ang practice natin. Sinabi ko rin na excuse kayo sa morning classes niyo kaya wala ng problema yun.." nakangiting sabi niya sa amin.

"Hayy mabuti naman po kung ganon hihihihihi.." si Alexa.

"Okay.. that's for today you may go now.." si Coach.

'Ginaya niya ang linya ko ah..'

"Sige po coach bukas po ulit.." paalam nila.

"Sige.."

"Thanks po.."

"Your welcome.."

Aasta na sana akong aalis pero narining kong tinawag ako ni coach kaya lumingon ako sa kanya.

"Gomez.."

"Y-Yes coach?"

"Can I talk to you?"

"Sige po.. why not?" nakangiting sabi ko.

"Kita ko sa performance mo kanina ang pagkatamlay.. ano bang nangyari sayo?" deretsang tanong niya at natigilan ako.

"H-Ho?"

"Kanina during practice kita ko sa performance mo ang pagkatamlay at pagkabalisa.. What happen?" nag-aalalang tanong niya.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now