Chapter 18|Foundation Day Announcement

106 8 0
                                    

Katalina'a P.O.V

Kasalukuyan kaming nagkaklase nang may narinig kaming announcement galing sa secretary ni Principal Cruz na si Mae Reyes.

"Attention to all students, faculty, and staff, please go to the open field because we have some further announcements to be discuss later. Thank you."

Announcement? Ano naman kaya yun? May bago na naman bang transferee dito?

At sa sinabing yun ay nagsitayuan na kami at lumabas na sa classroom. Dinig ko pa ang bulungan ng mga estudyante kung ano daw ang announcement na sinasabi nila.

"Master may alam ka ba tungkol sa announcement nayun?" nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay si Kiko lang pala.

"Wala" maikasing sagot ko.

"Hmmmm kamusta ka naman master?"

"Well, always good naman. Bakit mo natanong yan?"

"Wala lang." at nakarating na kami sa open field kung saan may announcement silang sasabihin. Nagsidatingan narin ang ibang estudyante na may sari-sariling reklamo.

"Ano ba yan! Bakit pinapunta tayo dito!"

"Ang init init! Masisira ang skin ko nito eh!"

Ang aarte! Natural ka lang namang magrereklamo sa sobrang init ng panahon pero kung makapag-react sila 'kala mo wala ng bukas. Nagsisimula na akong pagpawisan. Ang init!

"Good morning monster este master pala" ayan na naman ang monster niya. Bakit nandito siya? Parang hindi na ako naiinitan sa araw.

Lumingon ako sa kanya at nakumpirma kong pinapayungan niya ako. Bakit niya 'to ginagawa sakin?

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko. Marahan kong pinunasan ang pawis ko.

"Natural pinapapunta tayo dito eh" ngising sagot niya. Pilosopo!

"I mean bakit dito ka pumwesto at bakit pinapayungan mo ko?"

"Dito ako pumwesto dahil di ba sabi ni Principal na palagi akong nasa tabi mo kaya nandito ako ngayon. Pinapayungan kita dahil alam kong masisira ang maputi mong balat." Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Seriously? Pinapayungan niya para hindi lang masira ang balat ko?

"Di ba sinabi ko na sayo na wag kang magpapahalata na may pinapagawa sayo ang Principal laban sa akin?"

"Wala ka namang sinabi na ganyan ah." Wala nga ba?

"Okay, wag ka lang magpapahalata dahil malalagot ka sa akin" pagbabanta ko.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon