Chapter 48 | I'm Sorry

77 6 0
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Third person's POV

SHE'S nowhere to be found.

Hindi na niya alam kung saan siya patungo basta ang alam niya ay naglalakad siya para makaiwas sa lahat. Ang sakit, sobrang sakit.

Bakit niya nagawa sa akin 'yon?

Lumuluha siyang umalis sa pinanggalingan kanina. Nagtaka ang ilan nang makasalubong nila ito pero imbis na tanungin ito ay naglakad lang siya ng diretso palabas ng mansion. Akala ng dalaga ay wala ni isang sumunod sa kanya ngunit nakita niya ang kasintahan na nagtatakbong sinundan siya.

Mabilis niya itong naiwala at ngayon ay mag-isa siyang naglalakad sa tahimik na kalsada. Isa lang ang tanging magagawa niya ngayon, ito ay ang umiyak nang umiyak. Sa labis na paghihinagpis ay napaupo siya sa malamig na kalsada at umiyak ng todo.

Palaging sumasagi sa isipan niya ang mga salitang narinig niya kanina. She didn't expect that.

Sana panaginip lang ito. Sana hindi ito totoo.

Ilang beses na niyang kinukurot ang sarili sa pag-aakalang nananaginip lang siya ngunit hindi, nasasaktan lang siya sa ginagawa niyang pagkurot sa sarili.

Dumaan ang ilang minuto at nakaramdam na siya ng antok. Tumigil na rin sa pag-agos ang kanyang luha at wala nang mailabas pa. Naisipan niyang umuwi na lang tutal wala naman siyang magagawa kung mananatili pa siya rito. Baka tangayin pa siya ng sindikato kapag nagkataon.

---

Tinanghali ng gising si Ria at nadatnan ang sarili sa sarili nitong kwarto. Hindi niya maalala kung paano siya kung paano siya nakauwi sa papamahay nito ngunit ang naalala niya ay ang mga salitang narinig niya mula sa kasinhatan kagabi.

"Fine, ako na ang papatay sa kanya."

Sila ang may pakana ng pagbabatanta sa buhay ko. Sambit niya sa kanyang isipan.

Paano nagawa ng kasintahan ang mga ito?

Bakit si Ria pa?

Anong ginawa ng dalaga para gawin nila ito sa kanya?

How can he still manage this shit while he's with Ria?

Sumasakit na ang kanyang ulo sa kakaisip ng mga tanong sa halip ay binaling ang kanyang atensyon sa cellphone nitong umiilaw kanina pa. Alam niyang si Darryl ito kaya imbis na sagutin ang tawag nito ay pinili niyang wag itong pansinin.

Agad na namang lumabas ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan. Ang sakit sakit ng ginawa ng binata na naging dahilan para mas lalong naiyak ang dalaga.

Hindi na niya naisipang pumasok pa dahil hindi niya kayang makita ang binata, na ginawa lang siyang kasangkapan para sa plano nila. In fact, she's not in the mood right now. Mas pinili niyang magmukmok sa sarili nitong kwarto at umiyak nang umiyak.

Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Hindi na niya kinaya pa ang lahat.

Muling tumunog ang kanyang cellphone at nagkaroon siya ng lakas ng loob para kunin at basahin ang mensaheng iyon.

Love <3 :

Can we talk?

Naiyak na naman siya. Hindi mawari ang dahilan kung bakit siya naiyak nang mabasa ang menshang iyon mula sa binata.

Tatlong simpleng salita lang pero umiiyak na siya. Alam na niya ang mangyayari kung mag-uusap sila. Hindi niya kakayaning marinig ang sasabihin ng binata kapag nagkausap sila. Alam na kasi ng dalaga ang plano nito at ayaw niyang marinig pa ulit ito.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon