Chapter 53

78 5 0
                                    

A/N: This is the continuation of the previous chapter. Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Third Person's POV

20 years later...

Year 2007

Dalawampung taon na ang nakalipas at ito na ang tamang panahon para gawin ang matagal nang pinaplano ni Elizabeth. Ang maghiganti sa pamilyang Gomez.

Sa loob ng dalawampung taon na 'yon ay marami siyang nabalitaan. At maigi niyang pinlano ang paghihiganti niya.

Mas naging ganado siyang ituloy ang plano niya nang malaman niyang nasa iisang subdivision lang sila nakatira ang target niya. At tanging ang walong taong gulang na anak lamang ang kasa-kasama ng pamilya. Si Maria Katalina Gomez. Ang kapatid naman nito na si Kathleen ay nasa ibang bansa at doon nag-aral.

Ngayong araw na ito ay nakatakdang gawin ang unang plano niya. Ang i-ambush ang babaeng tinuring niyang kapatid. Ang babaeng pumalit sa pwesto niya. At ang babaeng umagaw sa lalaking minsan na niyang minahal.

Samantala, sa kabilang dako naman ay saktong nasa trabaho si Ramon at tanging si Ria lamang ang nasa mansion kasama ang mga maids at guwardya dahil umalis saglit ang kanyang ina para bumili ng groceries.

"Is mommy home na?" Inosenteng tanong ni Ria. Walong taong gulang pa lang si Ria at nasa ikawalang baitang pa lang ito. Inosente pa sa lahat ng bagay.

"Pauwi na ang mommy mo," sambit ni Yaya Ysa.

"I can't wait to give this to her. Look Yaya, it's beautiful right?" Tanong niya ulit sa maid sabay pinakita ang drinawing niyang family tree.

"Oo, sobrang ganda." Puri ng maid habang hinahaplos ang mahabang buhok ng bata.

Hindi mapakali ang maid dahil mahigit isang oras na mula noong tumawag ang amo nito—si Katherine—na pauwi na ito. Masama ang kutob niya rito pero pilit niyang pinapagaan ang kanyang sarili. Baka na-traffic lang kaya natagalan ng uwi.

Tinitigan niya ang bata at hindi maalis ang pangamba nito sa kanyang mukha. 

~*~

Katherine was on the way to their mansion when her car suddenly stops along the way. Nagulat siya nang biglang may humarang na itim na van sa harap niya. Aatras na sana siya para makadaan ngunit mas nagulat si Katherine nang marami nang nakapalibot na van sa sasakyan niya. 

Nasa kotse niya pa rin ito nang bigla na lang nagsilabasan ang mga lalaking nakatakip ang mukha sa itim na tela at may hawak na baril. Pinapaligran siya nito.

Takot at pangamba ang naramdaman ni Katherine. Ni hindi makagalaw si Katherine sa kinauupuan niya dahil sa takot. Hindi niya ito inaasahan. Iniisip niya na baka napagkamalan lang siya ng mga ito pero hindi pa rin mawawala ang takot sa kanyang mga mata. Hindi niya rin maalala na may naging kaaway ang asawa nito dahil mabait at responsable naman ito sa kanyang trabaho. Wala rin siyang kaaway para maghiganti—

Nanlaki ang mga mata niya nang may maalala siya. Hindi maaaring siya 'yon...

At sa isang iglap ay nagpaulan na ng putok ng baril mula sa gilid ng kanyang sasakyan at natamaan siya sa tagiliran at hindi inaasahang tumama ang isang bala sa kanyang dibdib na agad niya namang ikinamatay. Akala niya ay ang mga armadong lalaki ang bumaril sa kanya ngunit isang babae ang bumaril sa kanya at nakangisi ito nang malaman niyang patay na ang target, si Katherine.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon