Chapter 33

81 3 0
                                    

Katalina's P.O.V

"Ashley!" sigaw ko nang makalabas siy ng cafeteria at sinundan ko naman siya.

"Ashley!" ulit ko po pero hindi niya ako pinapansin at nagtuloy lang siya sa pagalalakad.

"Ashley! Ano ba!" huling sigaw ko at naabutan ko naman siya at saka hinawakan ang balikat niya para maiharap sa akin.

"Ano?!" inis na sigaw niya.

"Ano bang nangyayari sayo?!"

"Ha!" mapaklang singhal niya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Ria?!"

"Anong ibig mong sabihin?" taka tanong ko at malakas naman siyang napabuntong-hininga.

"Tinatanong mo ako kung anong nangyayari sa akin di ba?" tumango ako. "Ha! Baka ikaw ang may problema sating dalawa at hindi ako yun!"

"What do you mean?"

"Wag ka nga'ng tanga, Ria!"

"Ano?!"

"May hindi ka sinasabi sa akin!"

"Ano yun?" takang tanong ko.

"Ria naman oh!" napasapo naman siya sa mukha niya. "Nalaman ko na ginawa mong Assistant si Darryl nang lingid sa kaalaman ko! At mas masaklap pa nun ay kahapon pa nangyari!" duro niya at natigilan naman ako.

"Sino bang may sabi sayo nyan?"

"Wala ka nang pakialam nun!"

'Siguro si Darryl.. tsk!'

"Hindi mo kasi ako maintindihan eh!"

"Edi ipaintindi mo sa akin!" sagot niya at napaamang naman ako.

Hindi ako makasagot!

Ramdam ko ang galit sa mga mata ni Ashley ngayon at hindi ko kayang tignan yun ng matagal dahil baka malulusaw ako sa mga tinging yun.

"Ang masama pa nun, kaibigan mo ako eh! Dapat may sinasabi ka sa akin kasi nga kaibigan mo ako! Alam ko naman na malihim kang tao eh pero pagdating sa ganito ay dapat sinasabihan mo ako dahil kaibigan kita at handa akong umintindi at intindihin ang sasabihin mo sa akin!" mahabang tugon niya at napayuko nalang ako. Nakita ko naman ang nagbabadyang luha sa mga mata niya.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now