Chapter 13|Bati

122 5 0
                                    

Katalina's P.O.V

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Bakit tirik na tirik ang araw ngayon? Bumangon nako at naligo. Habang naliligo ako naalala ko ang ayaw namin ni daddy. Nag-away ba kami o ako lang ang galit sa kanya?

Kahit na, hindi makatarungan ang ginawa niya. Hindi naman pwedeng iurong ang desisyon ni daddy kasi lunes na magsisimula ang lintik na Darryl na yun. Ang kailangan kong gawin ay ang pahirapan siya.

Sabado pala ngayon, ngayon ko lang nalaman. Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba nako para kumain. Hindi pala ako kumain kagabi kasi galit ako kay daddy. Kumakalam na ang sikmura ko, gusto kumain ng kumain. Di ba sabi ni yaya na namamayat nako?

"Good morning baby Ria" pagbati sakin ni Ate Kathleen na naka-upo sa malaking sofa.

"I'm not baby anymore ate" pagco-correct ko.

"Basta baby ka parin namin di ba Yaya Yssa?" tanong niya kay Yaya Yssa na nasa kusina.

"Oo" sigaw niya mula sa kusina.

"Ugh!" bakit ba baby ang tawag nila sakin? Dahil ba bunso ako? O inaasar lang nila ako?

"Hindi mo ba ako babatiin?" tanong ni ate.

"Hindi mo naman birthday ah" sabi ko.

Napahagikhik nalang si ate. "I mean hindi mo man lang ako babatiin dahil kakabalik ko pa dito galing states?" ngumuso pa siya. Parang bata.

"Hindi ba pinapasabi ko na kay Yaya Yssa kahapon?" pabalik kong tanong.

"Basta iba parin pagbinati mo ko ng harap-harapan" pagpupumulit niya. Ang arte! Kainis!

"Edi welcome back! Ano masaya ka na?"

"Animg sungit naman nito. May dalaw ka ba Ria?"

"What? Anong dalaw? Hindi naman ako preso?"

"Ikaw talaga ang slow mo."

"At ako pa ang slow? Diretsuhin mo na kasi ako. Ano ba ang dalaw?" tanong ko. Readers alam niyo ba ang dalaw?

"Dalaw means monthly period." What?

"Masama lang ang mood ko, may dalaw na agad? Hindi ba pwedeng galit lang ako?"

"Kanino?"

"Ask to your self. Ugh!" hindi nako makatiis dito kay ate kaya pumasok nako sa kitchen.

"Oh dahan-dahan lang Ria baka mabilaukan ka nyan" sabi ni Yaya Yssa.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum