Chapter 44

79 5 2
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Katalina's POV

I arrived at school at seven thirty in the morning. The unusual feeling inside the campus is bothering me. Why? Because, after they knew that Darryl and I are in a relationship, everyone explodes! Lahat sila masaya sa naging anunsyo namin noong nakaraan. Ako na nga nahihiya sa sarili ko dahil sinabi ba naman ni Darryl na ipaglandakan niya sa buong madla na kami na.

Hindi ako sanay sa ganitong awra  ng paligid. Sasabihan ka ba naman ng 'Congrats, Master!' 'Bagay po talaga kayo ni Darryl, Master.' 'Long live po.' At marami pang iba. Kulang na lang magpiyesta sila sa sobrang saya ng paligid.

Matapos nung team building namin ay siya na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil excited na siyang sabihin sa lahat na kami na nga. Isang linggo na ang lumipas simula noong umuwi kami dito sa Manila galing Boracay. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari sa tatlong araw na nanalagi kami sa Boracay para sa team building namin. At 'yon ang pinakahindi-makakalimutang sandali ng buhay ko.

He's finally mine.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang Darryl Razine Dela Questa ay naging kasintahan ko na. Mahirap talaga paniwalaan sa taong gaya ko na parang wala ng lugar para sa pag-ibig na 'yan.

Siya ang nagpabago ng lahat.

Binago niya ang Ria'ng kilala nila bilang walang-puso at mailap sa mga tao. Binago niya ang mga katangiang nagmulat sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam na may tao pa lang handa kang baguhin sa kinagisnan mong ugali. Akala ko hindi na mababago ito pero nagkamali ako.

Napangiti ako.

Habang naglalakad ako sa hallway ng main building ay bigla na lang umusad ang tilian at sigawan. Mukhang sila pa ata ang masaya kesa sa akin ah?

"Nandyan na si Darryl!"

"Kyaaaaah! Ang sweet niya naman!"

"Shit! Naiingit ako!"

"Ang swerte ni Master!"

Sigawan ng ilan at napalingon naman ako mula doon sa nagsisigawan. Pero sa halip ang mga nagsisigawan ang bubungad sa akin ay isang Darryl na may dalang rose ang sumalubong sa akin.

Bakit biglang nag-init ang pisngi ko?

"Good morning love," nakangiting bati niya at binigay sa akin ang rose, inabot ko naman 'yon.

Oo, love ang tawagan namin. Siya kasi nagsuggest nyan kaya sinang-ayunan ko naman. Maganda naman sa pandinig.

"Ang aga ng pa-rosas mo ah," nakangiting sambit ko.

"Siyempre, para sa mahal ko," tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Binigyan niya ako ng isang mabilis na halik sa pisngi.

"Ano ba! Nakakahiya, ang daming nakatingin sa atin dito oh," mahinang saway ko.

"Hayaan mo sila. Hindi ako nahihiya kapag ikaw ang kasama ko," pilyo siyang ngumisi. Mahina ko siyang pinalo sa braso at natawa siya.

"Pwes ako, oo."

"You shouldn't be." Umalis na kami sa kinatatayuan namin kanina at nakarinig na naman kami ng sigawan mula sa likod namin.

"Tangina! Nakakaiingit na talaga!"

"A guy like Darryl please?"

"Magjojowa na rin ako! Shit! Ang sweet!"

Pareho lang namin 'yong tinawanan.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now