Chapter 54

78 3 0
                                    

TW: harassment

Katalina's POV

Ang hirap na ng sitwasyon namin ngayon. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ngayong alam ko na ang puno't-dulo ng lahat, parang hindi pa rin ako makapaniwala.

All this time, planado na ang lahat.

Nagtagumpay siya dahil isa ako sa mga nauto niya. Lahat ng mga nangyari sa akin noon ay kagagawan niya.

Pati si mommy dinamay niya.

Alam kong may pagkakamali rin si mommy pero nagmahal lang siya. Wala siyang inaapakan na tao. She even pushed Dad to be with Elizabeth again but Dad insisted.

Maling-mali ang pamamaraan niya ng paghihiganti. Nakakatulog kaya siya sa gabi dahil sa mga ginawa niya? Dinadaanan kaya siya ng konsensya niya? Nagsisi ba siya?

Muntik na akong mamatay noon kung hindi lang siya umalis roon sa mansion. Hindi ko na nga maalala ang mga pangyayari noon dahil dumaan ako sa theraphy. Tinamaan ako ng trauma dati mula noong namatay si mommy. We immediataly moved to U.S. to forget everything that happened in the Philippines. Takot na takot ako noon dahil baka masundan kami ni Elizabeth, ni hindi na nga ako makakain ng maayos dahil bumabalik pa rin sa isipan ko ang nangyari noon.

At an early age, I had experienced the horrible events of my past. Inosente pa ako sa lagay na 'yon at wala pang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid. Walang pinipili ang karahasan. Mapabata o matanda man ay biktima rin.

At ngayon naman ay bumalik muli ang kinatatakutan ko noon. Wala na akong kawala. Accident prone na ata ako.

Ilang araw na mula noong nalaman ko ang lahat. Ilang araw na rin mula noong dinala kami rito. Ni hindi ko na nga nakikita ang sinag ng araw. Walang araw na hindi kami pinapahirapan ng mga tauhan ni Elizabeth. Kung nasasaktan sina ate ay mas nasasaktan ako. Ako talaga ang pakay nila.

Tinitiis ako ang sakit. Umiiyak na ako sa sobrang sakit pero nagawa ko pang ngumisi sa kanila. Ayokong magmukhang mahina dahil mas lalo lang nila akong sasaktan.

Nasa isang madilim na silid ako ngayon at mag-isa lang, malayo kila ate at daddy. Dinala nila ako rito at hiniwalay sa kanila. Ang alam ko ay nandito pa rin kami sa lumang warehouse.

Nakagapos pa rin ako at nakaupo sa marupok na silya. Hindi rin ito magtatagal at masisira rin. Nasanay na ang mga mata ko sa dilim at ngayon wala akong nakikitang pigura ng tao sa paligid.

Naamoy ko pa rito ang masangsang amoy mula sa dumi ng hayop at tao. Hindi ko na rin naramdaman ang laylayan ng gown ko dahil napunit ito noong hinahatak nila ako papunta dito at hanggang tuhod na lang ito ngayon.

Tahimik. Nakakatakot na katahimikan.

Wala na akong ibang iniisip kundi ang makaalis rito. Inaalala ko ang mga dinaanan namin at naghahanap ng matatakasan ngunit mahihirapan lang ako dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Sana dumating siya at iligtas kami mula sa kamay ng kanyang ina.

Inaasahan ko na magpapakita siya rito dahil isa siya sa mga tauhan ng kanyang ina ngunit wala akong makita ni anino niya. May alam kaya siya sa nangyayari rito?

Dumako ang paningin ko sa pintuan nang bigla itong bumukas. Bumungad sa akin si Elizabeth kasama ang mga tauhan niya. Nakangisi siyang lumapit sa kinaroroonan ko at tumuwad para magpantay ang tingin namin.

"Kumusta ka na? Humihinga ka pa rin ba?" Natatawang tanong niya at tinitigan ko lang siya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang mag-ubos ng laway sa kakasalita.

"Unti-untiin natin ang paghihirap mo para naman may thrill 'di ba? Ano kaya ang susunod kong gagawin sa'yo?" Tumingala pa siya at kunwaring nag-iisip.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now