Chapter 43

76 6 2
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Katalina's POV

Maaga akong nagising ngayong umaga at tumambay muna sa dalampasigan habang hinihintay ang mga kasamahan kong magsigising na sa pagkakatulog. Pangatlo at huling araw na namin dito sa Boracay at bukas na ang alis namin pabalik sa Maynila.

Maraming nangyari sa mga nagdaang araw at sa kabila noon ay naging masaya ako na nakasama ko sila. Kahit na sa ilang araw na pamamalagi namin dito ay parang mas maging malapit kami sa isa't-isa. Kilala na namin ang bawat isa at ang iba pa ay naging magkaibigan na.

Hindi ko akalain na sa dami ng mga problema ko ngayon ay ngayon pa lang ako nakaramdam ng kapayapaan. At ngayon na huling araw na namin dito ay nagsisimula na akong malungkot. Pagkatapos nito, normal na lang ang lahat na parang wala kaming masasayang pinagsamahan dito sa Boracay.

"Sana hindi na ito matapos ang sandaling ito," mahinang bulong ko sa sarili.

"Ria?"

Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang may nagsalita sa likod ko. Nagtatakang lumapit sa kinaroroonan ko si Kiko at naupo sa mismong tabi ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Wala."

"Alam kong meron, wag mo ng itago sa akin." Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Sa sandaling ito, iniisip ko na baka mag-iba na ang turingan natin sa bawat isa kapag matapos na ang team building na ito," pilit akong ngumiti sa kawalan habang sinasambit 'yon.

"'Yan lang ba?"

"Ano pa ba dapat?" Naguguluhang tanong ko.

"Well, hindi naman mag-iiba lahat. Sa katunayan nga ay isang napakalaking pagkakataon na makasama at makausap ng matagal ang tinuturing naming Master. Kaya wala kang dapat na ikabahala dahil hinding-hindi magbabago ang turingan natin sa bawat isa."

"Sabagay tama ka. Hay, nakakalito," napapabuntong-hininga na sambit ko.

"Ang alin?"

"I don't know if I have to say this to you but there's a sudden feeling na may gusto ako sa isa sa mga kasamahan natin dito," nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Kiko nang sambitin ko 'yon.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ah-eh kasi, ngayon ko lang narinig mula sa'yo ang mga salitang 'yan. Bibihira kang  magbigay ng pahayag mula sa nararamdaman mo."

"Ganon ba? Actually, naninibago rin ako sa sarili ko."

"So, who's the lucky guy?" Namimilog ang mga matang tanong niya sa akin.

"This time, it's confidential kaya ayoko munang sabihin sa'yo kung sino kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko kaya nga ako nalilito eh."

"Can you tell me kung ano ang nagustuhan mo sa kanya? Para mahulaan ko ng konti haha," mapait na tumawa si Kiko.

Weird.

"His words of wisdom makes me realized that I should be happy for what I am. Ang galing niyang magpayo sa akin and infact mas gumaan ang loob ko sa kanya. It's just that I'm comfortable that he is at my side. Palagi nga siyang hinahanap ng mga mata ko kapag nalingat lang saglit. Ewan ko ba, nagustuhan ko lang ata yung personality niya." Komento ko.

"Is that Darryl?" Diretsong tanong niya sa akin at bahagya akong nagulat.

Unti-unti na ring sumisikat ang araw at natatamaan na ako sa sinag nito. Ngumiti ako ng konti.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz