Chapter 11|Principal

128 5 0
                                    

Katalina's P.O.V

Nakatulala parin ako ngayon sa office ko. Inisip ko kung paano kung mawala ako rito. May mag-didisiplina pa ba sa mga pasaway na estudyante pagwala ko rito sa Normal High? May tatawag pa ba saking master?

Ang daming gugumulo sa isip ko. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako o hindi. Siguro ipahinga ko nalang 'to.

Iidlip na sana ako nang may biglang kumatok.

Knock! Knock!

"Come in" saad ko.

"Miss Gomez pinapatawag po kayo ni Principal Cruz." Siya si Mae Reyes--- ang secretary ni Principal Cruz.

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam ang sabi niya lang ay pinapapunta daw po kayo sa office niya."

Bakit ako pinapapunta sa principal's office? Anong gagawin ko dun?

"Sige sunod ako" sagot ko.

"Okay po" then lumabas na siya sa office ko.

Darryl's P.O.V

Nagkaklase kami ngayon nang biglang may nag-announce sa kung saan man nanggaling.

"Darryl Dela Questa please report to the principal's office right now. Again, Darryl Dela Questa please report to the principal's office right now. Thank you."

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang announcement kanina. Ano na naman ang ginawa ko? Tantanan niyo nako please?

"Ok Dela Questa report to the principal's office now" sabi ng prof namin sa PE.

"Hala ka Darryl!"

"Ano na naman ang ginawa mo?"

"Baka hindi ka na sikatan ng araw. Joke lang!"

Dapat ba akong matakot sa kanila? Eh anong kinalaman kung hindi nako sisikatan ng araw eh pupunta lang naman ako sa principal's office? Mga sira!

Umalis nako sa classroom at naglakad papuntang principal's office. Saan ng ba yun? Lakad lang ako ng lakad dito sa hallway at patingin-tingin sa mga rooms nagbabaka-sakaling makita ang principal's office.

Napako ang tingin ko nang makita si master na pumasok sa. . . . Principal's Office? Ito na ba yun? Madali akong naglakad papunta dun at kumatok.

Knock! Knock!

"Come in" saad ng isang lalaki at pumasok nako sa loob.

Katalina's P.O.V

Nang makarating ako sa principal's office ay pumasok nako sa loob. Nakita ko si Principal Cruz na nakaupo dun sa upuan niya at nakangisi. Bakit nakangisi ito? May topak ata to eh.

"Good morning" bati ko.

"Good morning sayo Katalina Gom--"

Knock! Knock!

Hindi naituloy ang pagbati sakin ni Principal Cruz nang may kumatok. Sino naman kaya 'to?

"Come in" sabi ni Principal Cruz.

Napalingon ako sa may pintuan nang may pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok sa loob si Darryl. Bakit siya nandito?

Tinignan ko siya ng masama. Yung tingin na nakamamatay, ganun yun. Umupo siya sa harapan ko at napalunok.

"Good morning Katalina at sayo Darryl," panimula niya. "Since nandito na kayong dalawa, Katalina I want you to be with Darryl. Kasi siya ang magtuturo sayo ng mga bagay na hindi mo alam" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Tulad ng?" tanong ko.

"Tulad ng pagiging mabuti mo sa kapwa. Siya nag magtuturo sayo kung paano gumalang, rumespeto at higit sa lahat ang kung paano ka magiging mabait."

Napatigil ako sa sinabi ni Principal Cruz sakin. Si Darryl naman ay nakinig lang.

"Pinagsasabi mo? Tuturuan niya akong maging magalang at iba pa? Bakit? Naging masama na ba ang tao sa inyo? Dapat ako ang dumisiplina sa mga pasaway na estudyante tapos ako ang didisiplinahin niyo? Ang unfair naman yata yun" pangatwiran ko.

"Hindi naman unfair yun Ms. Gomez. Dapat nga fair yun kasi kayong lahat ay dinisiplinahan."

Napairap nalang ako sa kawalan.

"Teka Mr. Cruz, bakit si Darryl pa eh bago palang siya dito?" tanong ko.

"Kasi si Darryl ay outstanding siya sa mga subjects niya kaya siya anh pinili ko."

"Alam ba 'to ni dad?" tanong ko.

"Yes, siya na mismo ang nagsabi sakin dapat turuan ka" Si dad?

Napairap nalang ako for the second time.

"At ikaw Darryl, payag ka ba?" tanong ni Principal Cruz kay Darryl. Wag kang pumayag. Wag kang pumayag---.

"O-opo" tama ba ang narinig ko? Pumayag siya? Ugh!

"Good! Salunes ka na magsisimula" masiglang sabi ni Principal Cruz.

Tinignan ko si Darryl at binigyan siya ng pamatay na tingin na parang nagsasabing 'patay ka sakin'.

Someone's P.O.V

Nanonood ako ng tv sa sala nang magring ang phone ko.

Unknown Number:

["Boss ngayon mas mapapadali ko na ang trabaho ko laban kay Gomez."]

["Good!"] masiglang sabi ko at binaba na ang tawag.

Humanda ka sakin Katalina Gomez.

A/N:

Hala sino siya?😱

Abang-abang lang kayo dyan!



My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang