Chapter 50

72 7 1
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter! Enjoy reading!

Ps: Few more chapters left before the Epilogue. ^_^

Katalina's POV

ANG oras naging araw at ang araw ay naging linggo. Napakabilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang noong nakipaghiwalay ako kay Darryl. Ang bilis talaga ng panahon.

Isang araw na lang at ball na namin. Busy ang lahat sa pag-aayos ng mga dekorasyon sa gym. Ang iba naman ay inaasikaso ang taunang foundation day namin. Ngayon lang binalik ang foundation day namin dahil sa kagustuhan ng mga estudyante.

Nakakapagod mag-practice ng sayaw. Paulit-ulit lang naman pero nakakapagod. Halos lahat ng Seniors (3rd and 4th year) ay nandito sa gym at pilit may hinahanap ang mga mata ko. Si Darryl.

Hindi ko pa siya nakikita ngayon. Pero noong mga nakaraang araw naman ay nakikita ko siyang pagala-gala sa campus.

Alam mo yung nakakainis? Yung alam na ng lahat na hiwalay na kami. Panay tanong nila sa akin kung bakit naghiwalay kami, araw-araw na lang siguro. Bakit pinapakialaman nila kami? Nanahimik na nga lang kami eh.

Palagi nilang sinasabi na bumalik na raw ang dating Katalina na nakilala nila noon pa. I think wala namang nagbago sa akin, sila lang talaga 'yong gumagawa ng mga sabi-sabi.

Nang matapos ang practice namin ay dumiretso ako sa mall dahil naghihintay na doon si Ate. Sasamahan niya akong pumili ng ball gown, kahit hindi naman ako interesado sa ball na 'yan. Siya lang talaga itong mapilit.

I drove as fast as I can para hindi siya mainip. Mainipin pa naman 'yon. Nang nakapagpark ako ay agad na akong pumasok sa mall at nakita ko siyang naghihintay sa labas ng isang boutique.

"Hey," tawag-pansin ko sa kanya.

"Why you took so long?" Maarteng tanong niya.

"May practice ako remember?" Sarkastikong sambit ko at napairap naman siya.

"Halika na nga!" Hinila niya ako papasok ng boutique at tumambad sa akin ang mga nakahilerang gown. Literal akong namangha sa ganda ng mga ito.

"Magaganda 'di ba?" Biglang tanong niya.

"Tss." Singhal ko.

Nilapitan niya 'yong sales lady at giniya kami papalapit sa mga mamahaling ball gowns.

"Nasaan 'yong inorder ko?" Tanong ni ate dun sa sales lady at agad naman siyang umalis. May kukunin ata sa loob ng stock room.

Paglabas niya ay tumaas agad ang kilay ko nang bumungad sa akin ang isang black fitted backless dress. Kumikinang ito sa sobrang dami ng mga crystals na nakapalibot sa ball gown.

Ako ba talaga ang magsusuot nito o siya? Hindi ako komportable sa mga ganyan! For Pete's sake!

"Try this, bagay sa'yo." Sinukat niya sa akin at natatamaan na ako ng hanger sa sobrang likot niya!

"Kailangan bang magsuot ako ng ganito?" Tanong ko gamit ang malamig kong boses at ngumisi naman siya. I don't like the way she smirks. Parang may binabalak na kakaiba.

"Of course, my dear sister! Graduating ka na kaya dapat memorable ang ball na ito!" Sagot niya at umirap na lamang ako.

"Bagay po sa inyo ang ganyang ball gown, Ma'am." Singgit ng sales lady pero binalewala ko lang siya.

"See? Kaya sukatin mo na!" Tinulak niya ako papasok sa fitting room at napabuntong-hininga na lang ako.

Ano pa bang magagawa ko?

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon