Chapter 51

69 3 0
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Ps: Malapit-lapit na tayo sa Epilogue. Konting tiis na lang!

Katalina's POV

Nasaan ako? Bakit wala akong makita? Bakit ang dilim ng paligid?

Tatayo na sana ako nang maramdaman kong nakatali pala ang mga kamay at paa ko sa upuang inuupuan ko ngayon. Pilit kong gumalaw pero mas lalong sumasakit ang kamay ko mula sa pagkakatali. Ngayon ko lang napansin na tinakpan pala ng duck tape ang bibig ko kaya hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay.

Bakit ako nandito? Sino ang nagdala—

May naalala ako!

Naalala kong may tumakip ng panyo sa bibig ko nung papunta na ako sa lalaking sinusundan ko noong ball! Dinakip ako!

Nilibot ko ang aking paningin at wala akong makita mabilan sa nakakatakot na kadiliman. Ginalaw-galaw ko ang upuang inuupuan ko ngayon para makagawa man lang ako ng konting ingay. Pero wala atang makakarinig sa akin dito.

Mag-isa lang ako?

Napabuntong-hininga na lamang ako at pinilit ang sariling matulog na lang.

Bigla akong nagising nang may nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Hindi ko halos maibuka ang mga mata ko dahil sa tubig na hindi ko man lang mapunas. Kahit ganoon ang sitwasyon ko ay pinilit ko pa ring ibuka 'yon kahit masakit sa mata.

"Gising na pala ang Master!" May biglang sumigaw at napadako ang tingin ko doon sa kinaroroonan ng sigaw na 'yon.

Malabo pa rin ang paningin ko at tanging nakikita ko lamang ay isang pigura ng lalaking nakaupo 'di kalayuan mula sa akin. Sa pagkakaalam ko ay nagbabalat pa ito ng mangga nang magtama ang tingin namin. Siya ata ang sumigaw.

Kumurap-kurap ako at unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko. Isa lang ang masasabi ko, nasa loob ako ng isang lumang warehouse. May ilaw na rin dito sa loob kumpara noong naabutan ko kanina na sobrang dilim ng paligid.

Nilibot ko ulit ang aking paningin at kada lingon ko ay puro mga lalaking naka-armas lamang ang nakikita ko. Nakapaligid silang lahat! Tanging itong upuan lang at mesang puno ng mangga ang nakikita kong kagamitan dito sa loob. Pick-season ba ng mga mangga ngayon?

Biglang umalingawngaw ang tawanan ng mga armadong lalaki dito sa loob. Kanina pa sumigaw 'yong lalaki, ngayon lang kayo tumawa. Late reaction lang?

Pansin kong titig na titig sila sa akin. Parang nakatingin lang sila sa suot ko. Nakasuot pa pala ako ng gown! Lintik naman oh! Kaya pala kanina pa ako giniginaw.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Sa pagiging Master ko, ito pa lang ang kauna-unahang beses na may gumawa ng ganito sa akin. Alam kong marami na akong nakabanggang ibang gang dati pero ito ata ang mas grabe na paraan ng paghihiganti sa akin. Hindi ko man lang inasahan.

Hindi kaya si Madam ang nagpadukot sa akin o si Darryl?

May lumapit sa aking armado na lalaki at maharas niyang hinawakan ang panga ko. Sinamaan ko siya tingin pero parang hindi man lang siya nasindak.

"Kay ganda naman pala nito. Ang kinis pa ng balat." Sambit niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Kadiri.

Umiling-iling ako at pilit inaalis ang magaspang niyang kamay sa pisngi ko. Namalayan ko na lang ang biglang paghapdi ng kaliwa't kanang pisngi ko nang sapilitan niyang tinanggal ang duck tape sa bibig ko. Nanatiling nakatagilid ang mukha ko at dumura habang masama pa rin ang tingin.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon