Chapter 23|Ate

80 7 0
                                    

Kathleen's P.O.V

Ring...Ring...Ring...

"Hello?" tanong ko sa tumawag sa akin. Unknown number kasi ang nakalagay.

"Kayo po ba ang kamag-anak ni Katalina Gomez?" tanong ng nasa kabilang linya. Nagsimula na akong kabahan.

"Opo, ako ang ate niya. Bakit po?" kinakabahang tanong ko.

"May nang---"

"Naaksidante ang kapatid ko?! Nasan siya? Sagutin mo ko! Nasan siya?!" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ng lalaking nasa kabilang linya nang inunahan ko siya.

"Ma'am wag niyo po akong pangunahan. Walang aksidenteng nangyari sa kapatid niyo, ang nangyari lang ay may tumawag sa amin at sinabing may babaeng walang malay" napabuntong hininga nalang ako. Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig ko. Mabuti naman.

"Where is she?" tanong ko.

"Nasa ospital po siya ngayon kasama namin" napabuntong hininga ulit ako.

"Saang ospital yan?"

"St. Luke's Hospital po ma'am."

"Sige hintayin niyo kami dyan" at binaba ko na ang tawag.

Agad akong bumaba para tawagin si Daddy na nasa garden ngayon at busy sa ginagawa niya. Sinabi ko na sa kanya ang nangyari at dali-dali kaming pumunta sa ospital.

Sumakay kami sa sasakyan ni daddy at kita kong nanginginig siya habang nagmamaneho.

"Dad calm down" pagpapakalma ko.

"How can I calm down kung may mangyaring masama sa kapatid mo?" patanong niyang sagot.

"Dad wala pong mangayayring ganyan" sabi ko.

"Sana nga..."

Nakarating rin kami agad sa nasabing ospital at dumiretso sa may nurse dun sa counter.

"May dinala ba ditong pasyenteng nagngangalang Katalina Gomez?" tanong ko.

"Opo nasa room 245 po third floor" sabi ng babaeng nurse.

"Thanks."

Tinungo namin ang elevator at pinunta ang third floor gaya ng sabi ng nurse kanina.

Hanap kami ng hanap sa mga pinto kung room na ba ito ni Katalina pero may nakita si daddy na mga pulis. Ito siguro ang tumawag sa akin kanina.

Agad kaming pumunta dun at nakumpirma namin na ito ang room ni Katalina. Nagsisimula na naman akong kabahan.

"Kayo po ba ang kamag-anak ni...Katalina Gomez?"

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon