Chapter 29

89 10 0
                                    

Darryl's P.O.V

Matapos akong paalisin at sigawan ni master ay umalis na ako sa building at naglakad papunta sa parking lot. Habang nalalakad ay nakaramdam ako ng konting kirot.

Bakit? Kasi.. ikaw ba naman ang sigawan ng harap-harapan, hindi ka ba masasaktan nun? Sa loob-loob ko para akong naheart-broken sa sitwasyong yun.

'Hindi ba pwedeng nag-aalala lang ako sa kanya? Bakit naninigaw siya?!'

Imbis na tutulungan ko siya eh parang tinataboy niya ako palayo at parang hindi na niya ako kailangan.

'Assistant ba ang tawag nun?!'

Ako na nga ang kusang tutulong, siya pa tong ayaw. Psh!

Assistant niya ako! Assistant! Bakit ganon? Siya na nga ang nagsabi na ASSISTANT niya ako tapos ngayon hindi na ako kailangan?

May sumagi sa isip ko...

'Kaya ba ganon si master kasi naiilang siya?'

0_0?

'POSIBLE!'

*tango* *tango*

Para akong tangang tumatango-tango dito sa daan. Baka mapagkamalan pa akong baliw neto! May iilang estudyante pa kasi ang nandito kaya baka napansin nila ako.

Napadaan ako sa gym at napansin kong maingay ito.

'May tao pa pala sa gym ngayon?'

Sumagi sa isip ko na malapit na pala ang Intercollegiate kaya baka may nagpapractice sa loob.

Nagtuloy lang ako sa paglalakad pero dahil curious ako kung ano ba talaga ang nangayari sa loob ay pinihit ko ang daan papunta sa gym.

Nasa labas palang ako ay maingay na talaga. Mga babae ang naririnig kong maingay.

'Baka may away sa loob?' tanong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko ay napanganga ako sa nakita. Hindi pala away ito kundi practice ng volleyball!

Naalala ko si master!

Kasali pala siya ng volleyball girls kaya hindi malayong makikita ko siya. At nakita ko nga siyang nakaupo sa bench at umiinom ng tubig. Ako naman ay naglakad papunta sa mga upuan dito sa gym at piniling sa sulok nalang pupwesto baka makita ako ni master.

'Bakit dito ako pupuwesto kung pwedeng pwede namang sa harap nalang?'

'Baka isipin ni master na sinusundan ko siya?'

Pansin kong balisa siya at parang walang ganang magpractice. Nanatili lang siyang nakatingin sa bote ng tubig tsaka titingin sa kawalan tapos titingin ulit sa bote.

Nakalumbaba akong pinanood siya.. nakapatong dalawang siko ko sa binti ko at naglumbaba. Nang walang anoy-ano...

O_O???

Biglang nahilo si master pag-aksiyon niya ng umupo!!!!

Tatayo na sana ako nang agad naman siyang tinulungan ng kasama niyang inalalayang umupo ulit sa bench. Nakanguso akong bumalik sa kinauupuan ko. Parang may sinasabi siya sa mga ito ngunit hindi ko marinig dahil nga malayo ako sa kanila.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon