Chapter 34

76 3 0
                                    

Ashley's P.O.V

Alam kong napapansin ni Ria ang pagiging tahimik ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang sabihin ko ang linyang yun kanina.

"Yeah, pero may natutunan ka naman ba?"

"Yeah, pero may natutunan ka naman ba?"

"Yeah, pero may natutunan ka naman ba?"

"Yeah, pero may natutunun ka naman ba?"

"Yeah, pero may natutunan ka naman ba?"

Paulit-ulit yang sinisigaw ngayon ng utak ko.

'Hindi man lang ako nag-iisip! Tsk!'

Ako mismo ay nahiya para kay Ria dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nasabi ko iyon. Alam kong nagulat siya at nagsisisi na ako roon.

Hindi ko muna siya kinausap at malalim akong nag-iisip habang naglalakad kami ngayon papunta sa classroom namin.

Aaminin kong nabigla rin ako pero hindi ko iyon sinasadya. Kung karaniwang tao lang ang tinanong ko ng ganyan ay biro lang iyon pero sa pananaw ko kay Ria ay hindi. Parang ang dating nun ay nakakainsulto iyon sa kanya kaya labis akong nagsisisi dahil doon.

Iba kasi kung mag-isip si Ria.

Kita ko kung paano siya nagulat nang tanungin ko siya at hindi nakasagot. Hindi niya inaasahan ang tanong ko, ganon na rin ako pero nakakapanghinayang lang dahil nasaktan siya dahil doon.

'Nakaayos na pero may dumating ulit na poblema. Ikaw kasi, Ashley, eh!'

Paano kung magalit siya sa akin?

Hindu ko tuloy alam kung paano ko siya iaapproach ngayon. Nahihiya ako sa sarili ko, oo. Parang gusto ko siyang takasan at umuwi ng bahay para matulog na baka sakaling mawala ang mga sinabi ko sa kanya kanina kapag natulog ako.

'Para akong nakapatay ng tao na hindi ko kayang makulong dahil sa katangahang ginawa ko.'

Napailing ako sa isiping iyon.

Hanggang sa makapasok na kami sa classroom ay tahimik pa rin ako. Hinahayaan ko lang ang sarili ko kung ano gagawin ko. Hinayaaan kong matulala at walang imik pero sa loob ko ay nagpoprotesta na ang utak ko at ang bibig ko.

Gusto ko nang magsalita at humingi agad ng tawad kay Ria ngayon. Handa ako lumuhod para lang mapatawad niya lang ako.

'OA na kung OA..'

Lumipas ang mga minuto at wala pa rin akong imik. Nang biglang pumasok sina Darryl at Prof Ruiz ay agad na akong ngumiti. Saka ako lumingon kay Ria na ngumingiti rin ngayon.

Nagliwanag ang mga mata niya na parang nakakakita ng isang magandang anghel. Napakagat-labi nalang ako at tinuon ang tingin sa whiteboard.

Agad rin akong napangiti nang nginitian ako ni Darryl. May kakaiba akong naramdaman nang makakita ko siyang nakangiti.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα