Chapter 42

125 7 4
                                    

Katalina's POV

"Bakit ba ang sasarap ng mga pagkain dito?" Puna ni Wilbert nang ngumunguya ito ng pork barbeque.

"'Yan nga rin ang napapansin ko eh," sambit ni Drew, isa sa mga varsity ng basketball department.

Lahat kami nandito sa campfire sa harap mismo ng hotel. Binuo ng isang malaking bilog ang kinauupuan namin at inaaliw ang aming sarili sa pagkain ng pork barbeque at sa pakikipag-usap sa kaibigan.

Mahigit isang oras na kaming nandito at tanging buntong-hininga lang ata ang naririnig nila sa akin. Hindi kasi ako nagsasalita mula pa kanina. Siguro iimik lang ako kapag nagtatanong sila sa akin.

Gusto ko lang ma-enjoy itong kapayapaan at panandaliang katahimakan. Maraming bumabagabag sa isipan ko ngayon, isa na roon ang banta sa buhay ko na nagsisimula na namang takutin ako.

I hate threats but I'm afraid of lossing someone I love.

Nag-aalala na ako baka pati sina Daddy at Ate ang pagbantaan nila ngayon dahil alam nilang wala ako. Ako ang target nila, kahit hindi ko alam kung bakit.

Sa dinami-dami ng pagbantaan, bakit ako pa? Karma na ba ito sa lahat ng mga pinag-gagawa ko? At buhay ko ang kapalit?

Baka blackmail lang pero iba ang impact sa akin eh. Parang parte siya ng nakaraan namin at gusto lang nitong maghigante sa amin o sa akin.

Ang nakaraan na hindi ko maalala.

Base sa pinapadalang threats ni Madam, parang alam na niya ang mga kailangan niyang gawin para mapabagsak ako.

At hinding-hindi ko siya pagbibigyan.

Posible kayang madamay si Chelsea dahil dito? Speaking of Chelsea, hindi ko na alam kung ano ng balita sa kanya. Pilit pa rin namin siyang binabantayan ng patago at ngayon, wala pa akong balita mula kila Veronica. Naisipan kong itext si Veronica para makibalita habang busy sila sa pag-uusap.

To: BS Veronica

Any updates?

Sent!

Naghintay pa ako ng ilang minuto sa reply ngunit wala pa akong natatanggap kahit isa. Medyo gabi na rin kaya baka tulog na 'yon at hindi na niya napansin ang text ko. 'Di bale, bukas ko na lang siya kukulitin.

"Ria, gusto mo ng barbeque? Kakatapos lang 'tong maihaw," pang-aalok sa akin ni Drew.

Ngumiti lang ako at umiling, indikasyon na tinanggihan ko ang alok niya.

"Kanina ka pa tahimik, Ria, ayaw mo ba dito?" Tanong naman sa akin ni Kiko.

"Hindi naman sa ganon, trip ko lang na hindi magsalita at gusto ko lang damhin ang sariwang hangin dito," sagot ko. Napa-ahh na lang 'yong ibang nakikinig at si Darryl naman ay tinititigan ako. Ginantihan ko naman siya ng isang malamig na tingin.

"Gusto niyo magkwento ako?" Singit ni Wilbert sa usapan.

"Sige nga, anong ikwekwento mo?" Naghahamon na puna ni Yanie sa kanya at napuno naman ng tawanan ang lugar.

"Uhm, tungkol sa isang lalaki na napakatorpe at sa lalaking kaibigan niya," sambit niya at mukhang naging interesado namang makinig ang mga tao dito at pati na rin ako doon.

Idadaan ko na muna sa ganito habang may oras pa...

"Simulan mo na!" Sigaw nila kaya tumikhim muna si Wilbert at nanahimik na kami.

"Isang araw, si Frans ay patungo sa hallway ng ekwelahan nila para doon maghintay sa kaibigan niyang si Razine," biglang tumikhim sina Darryl at Kiko sa panimula ni Wilbert kaya nagtaka kami sa inasal nila.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now