Chapter 45

72 6 1
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Katalina's POV

"ANONG iniisip mo?" Tanong sa akin ni Darryl.

Marami.

Lumipas ang mga araw mula noong nalaman nila ang pagkamatay ni Chelsea. Tila nagbago ang awra ng eskwelahan matapos nilang malaman ang sinapit ni Chelsea. Maraming nagulat, nalungkot, naapektuhan, at nabahala.

Hindi nila 'yon inaasahan. Ang tahimik at payapa na eskwelahan ay nabalot ng lungkot at simpatya. Noong mga araw na lumipas ay nagsagawa ang eskwelahan ng isang padasal sa ikakatahimik ng kaluluwa ni Chelsea.

Hindi na rin natuloy ang date namin ni Darryl noong nakaraang weekend dahil buong weekend akong hindi lumalabas ng bahay at naiintindihan 'yon ni Darryl. Alam na rin ng pamilya ko ang nangyari kay Chelsea at lahat sila nagulat at nalungkot sa ibinalita ko.

Sinong hindi malulungkot? Eh malapit na sa puso nila si Chelsea, lalo na si Ate.

Inaalala nila ang sarili ko dahil sa nangyaring pagtatangka sa buhay ko ay malinaw na baka magaya rin ako kay Chelsea. Tungkol sa sulat na nabasa ko galing kay Chelsea, doon ako nababahala. Hindi ko matukoy kung ano 'yon pero may halong babala 'yon.

Ngayon ay nasa isang restaurant kami sa isang mall dito malapit sa school. Natuloy na ang date namin ni Darryl at ngayon ay tinatanong niya ako.

"W-Wala," tanging sagot ko at ngumiti ng peke.

"Tungkol pa rin ba kay Chelsea ito?"

"Sort of, hindi ko lang kasi matanggap."

"Everything will be okay, hmm?" Tinignan niya ako at kinurot ang aking pisngi. Napangiti ako.

"Yeah."

Marami pa kaming ginawa ni Darryl. Naglaro kami sa Game Zone, kumain ulit, bumili ng paborito kong libro at nakaisip ng kalokohan itong si Darryl, bumili ba naman ng Couple Shirt at sinuot namin ito pareho. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito sa loob ng mall. Napapabulong sabay tingin sa amin, napapangiti kapag nasasalubong kami, at dinadaanan lang ng tingin. Nakakahiya pero masaya sa pakiramdam.

First time ko itong gawin kasama ang lalaking mahal ko.

Buong araw kaming nasa mall at nalibot na ata namin lahat ng mga stalls dito. Nakasalubong pa nga namin si Kiko nang mag-isa lang ito at sandali lang silang nag-usap ni Darryl at hindi na ako nag-abalang alamin 'yon dahil alam kong tungkol sa school works nila. Binigyan lang ako ni Kiko ng isang tango saka siya umalis.

Pasado alas siyete na ng gabi nang nagpasya kaming umuwi na dahil umuulan na sa labas. Buti na lang ay may dala kaming payong kundi baka mabasa pa kami ng ulan. Habang nalalakad kami papunta sa parking lot ay bigla siyang huminto.

"Ria, kahit anong mangyari ay mahal na mahal pa rin kita. Tandaan mo yan," sambit niya na ikinalambot ang puso ko.

"Mahal na mahal rin kita, Love."

Ngingiti na sana ako nang bigla na lang niyang dinampi ang labi niya sa labi ko. Nang dumampi 'yon, parang ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ko inaasahan 'yon.

He's my first.

Nakakalasing ang bawat halik na kanyang iginagawad sa akin na nagiging dahilan kung bakit parang ayaw ko nang tumigil pa. Wala na akong pakialam kung nasaan kami dahil ang tanging nasa isip ko ay ang mga labi niyang nakalapat sa labi ko.

Kahit umuulan ay ramdam kong nababasa na kami dahil hindi na namin alam kung saan ilalagay ang mga payong namin. Ang nakakagulat na ginawa ni Darryl ay hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na payong at tinakpan kami pareho.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now