Chapter 31

94 4 0
                                    

Katalina's P.O.V

~K I N A B U K A S A N~

Maaga akong nagising dahil may practice kami ngayon umaga. Nakahiga pa rin ako sa kama at hindi maialis ng mga mata ko ang KWINTAS na natanggap ko kagabi.

Nasa ilalim ng lampshade ko ng KWINTAS at kinuha ko iyon. Habang tinitignan ko ito ay napapaisip ako..

'Sino ang nagbigay nito sa akin?'

'Parte ba 'to ng bitag mo, ha?'

'O regalo lang?'

Marami pang nabuo sa isipan ko pero pinili ko nalang itago yun..

Puno ng pagtatakang binalik ko sa ilalim ng lampshade ang KWINTAS at bumangon na para maligo. Ramdam ko parin ang bigat ng pakiramdam ko at hilo.

Nagstrech muna ako ng konti at tinahak na ang banyo. Habang dumadaloy ang tubig sa kabuuan ko ay napapaisip pa rin ako.

"Wag mo nalang isipin yan... napapraning ka na eh.." sabi ko sa sarili ko.

Napapailing tinuloy ko pagligo at mabilis rin naman akong matapos. Nagbihis na rin ako at lumabas na sa kwarto.

"Oh iha, bakit ang aga mo naman ngayon?" bungad sa akin ni yaya pagkababa ko ng hagdan.

"May practice po kami ngayong umaga.."

"Ah ganon ba.. bakit napa-aga naman yata ang pagpractice niyo?" tanong niya na nagwawalis sa sala.

"Wala daw po siya sa hapon kaya ngayong umaga nalang daw.."

"Paano ang klase mo iha?"

"Excuse po kami.."

"Ah hehehe.. kumain ka na dun nagluto na ako ng agahan mo.." nakangiting usal niya.

"Sige po.." naglakad na ako papasok ng kusina at kumain.

Biglang pumasok si daddy at binati ako.

"Good morning sweetheart.."

"Good morning dad.."

"How was your sleep?" biglang tanong na ikinatigil ko sa pagsubo ng kanin.

"O-Okay as always.."

"That's good.." nakangiting usal niya at pinagpatuloy ang pagkain.

'Naalala ko ang nangyari kahapon..'

'Yung bigla akong nahilo..'

'Okay naman ako ngayon kahit papaano..'

"By the way, anak. About dun sa case na nangyari sayo noong nakaraang linggo.." patungkol niya sa insidente noong nakaraan at nilingon ko naman siya.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now