Chapter 37

107 6 0
                                    

Katalina's POV

"What is it dad?" bungad ko nang makapasok ako sa library niya.

"About sa incident na nangyari sayo," may inabot siyang isang folder, kinuha at binuksan ko iyon.

Naglalaman ito ng mga pictures na kung saan may larawan ng sasakyan ko at isang pulang sasakyan na nasa likuran ng sasakyan ko sa pinangyarihan ng incidente. Base sa pictures ay sinusundan ako ng pulang sasakyan. May pinakita pa si dad na isang video na sa pagkakaalam ko ay kuha ng isang CCTV camera.

"Kuha iyan sa isa sa mga CCTV cameras ng isang convenient store sa tapat mismo ng pangyayari," giit niya at nanatili lang akong tahimik.

Nangunot ang noo ko nang matapos ng pagbangga ng kotse ko sa kotseng nasa likuran ko ay may nakita pa akong isang itim na sasakyan na hindi gaanong nakita sa video na tila sinusundan ako. Pamilyar ang sasakyang 'yon pero hindi ko alam kung kanino iyon. Putol ang video kaya hindi na nakita ang sunod na pangyayari, ang nakita lang ay ang pagbangga. Nagbuntong-hininga nalang ako matapos panoorin ang video.

"Hindi pa rin natin malalaman kung sino siya kasi hindi naman kita ang taong nasa loob ng sasakyan at pati na rin ang plate---," may binigay na naman si daddy ng isang litrato ng isang plate number.... ng sasakyang 'yon.

ACB168

"Iyan ang kuha ng CCTV, sa bilis ng pangyayari wala ni isa sa mga nakakita kung sino ang gumagawa nun."

"Imposible naman kasi 'yon dad, tsaka maaaring pinalitan rin ng may-ari niyan ang plate number niya ngayon at wala nang saysay ang paghahanap natin kung mauuwi lang sa wala."

"Hindi basta-basta magagawa iyon anak, mahuhuli at mahuhuli rin siya ng mga pulis."

"Ang criminal ay criminal. Hindi sila takot sa mga pulis, dad."

"Bakit taliwas ka sa mga sinasabi ko, Ria?"

"'Yan naman talaga ang mangyayari dad eh," kaswal kong sabi at napabuntong-hininga nalang siya.

"Don't think negative."

"So what I supposed to be? To think positive like there's always a hope or a chance? I don't think so." at hindi na siya sumagot pa.

Sandaling katahimikan ang namutawi at nung nakontento na ako ay nagpaalam na ako kay dad na magpapahinga na ako.

***

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon