Chapter 38

71 4 0
                                    

Katalina's POV

Kararating ko lang ngayon sa school at kasalukuyan kong pinapark ang dala kong sasakyan dito sa parking lot nang may nahagip ang panangin ko.

Si Darryl.

Napatigil ako sa ginagawa dahil nakita ko siyang matamlay na naglalakad mag-isa.

Anong problema nito?

Dali-dali kong pinark ang kotse ko at lumabas na. Sinusundan ko siya ngayon kasi naman hindi mapakali 'tong sarili ko kakaisip kubg bakit ang tamlay niya.

"Darryl!" Tawag ko rito ngunit 'di niya ako nililingon.

"Hey!" Tawag ko pa pero maski tumigil man lang sa paglalakad hindi niya ginawa.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa maabutan ko na siya at hinawakan siya sa braso para maiharap sa akin.

Ba't ang tamlay naman nito masyado?

"Anong nangyayari sayo?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at hindi niya rin ako matignan sa mata.

"May problema ba?" dagdag ko pa.

***

Darryl's POV

"May problema ba?" Tanong niya at napapikit nalang ako.

Oo, malaking problema.

Flashback...

Sabado ng gabi nang maisipan kong tawagan si Ria para kamustahin.

["Hello?"] Tanong niya sa kabilang linya.

"Hi, Master hehe."

["What do you wan't?"]

"Grabe naman ito, tumawag lang may kailagan na agad?"

["So, ano nga?"]

"Nakauwi ka na ba?"

["Oo, bakit?"]

"Wala lang hehe."

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.

["Anyway, may ituturo ka ba sa akin sa lunes?"]

"Po?"

["Ay, nakalimutan na niya,"] may pagkasarkastikong puna niya.

"Joke lang po hahahahaha 'di na mabiro. Hindi na kita tuturuan," sagot ko.

["Bakit?"]

"Kasi alam ko naman na naipakita mo na ang ituturo ko sa'yo," napangiti nalang ako sa sandaling ito.

["Huh? So, wag ka nang mangulit sa akin."]

"Bakit?"

["Kasi tapos naman ang trabaho mo so ano pang gagawin mo?"]

"Eh, assistant mo ako 'di ba? Dapat lang na nasa tabi mo pa rin ako," medyo nadismaya ako sa sinabi niya.

["Yeah, but tatawagin na lang kita kapag may kailangan akong ipapagawa sa'yo. Hindi naman araw-araw palagi tayong magkasama."]

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now