Chapter 20|House Visit

97 6 0
                                    

Katalina's P.O.V

"Master di ba sa biyernes na ang reporting natin?" tanong ni Darryl sa akin.

"Alam ko."

"Paano na yan eh hindi na tayo makakapaghanda kasi sa susunod na araw na ang report natin." Shit! Malapit na pala!

"Okay, sa bahay tayo gagawa ng report natin" huli na para bawiin ang sinabi ko dahil natigilan siya at parang hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Sa bahay niyo?"

"Oo, is there any problem with it?" mataray na tanong ko.

"Sabi mo eh"

"After dismissal antayin mo ako sa parking lot kasi sabay tayo pupunta sa bahay. Maliwanag?" utos ko.

"Opo monster este master."

"Can you please stop calling me monster? Nakakairita ka na."

"Hindi ko kasi mapigilan eh" parang may sinasabi siya, hindi ko lang marinig.

"Anong sabi mo?"

"Wala"

"Tss. Maaari ka ng lumabas" umirap nalang ako sa kanya.

"Ha? Dito nalang ako, malamig kasi dito eh" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Mas mahangin sa labas" sabi ko.

"Sige na master, ikaw naman ang nagpapunta sakin dito eh" pagpupumulit.  Nandito kasi kami ngayon sa office ko para pag-usapan namin ang report namin.

"Fine, wag kang gagawa ng ingay dito kung hindi.. malalagot ka sa akin."

"Sige po monster este master. Ano ba yan!" napakamot pa siya ng ulo.

"Psh!"

Nagbro-browse ako sa laptop ko ngayon sa internet at namimili ako ang bibilhin ko sa online shop. Mahilig kasi ako sa pag-oonline shopping eh hindi lang nila alam.

May nakita akong purse na color blue. Maganda ang design niya, may maliliit na kristal na pumapalibot sa buong bag at sobrang ganda niyang tignan.

Napasulyap ako kay Darryl na kasalukuyang nakasandal sa sofa na parang malalim ang inisiip. Lakas niyang makasandal sa sofa ko 'kala mo sa kanya. Napa-irap nalang ako.

Pinagpatuloy ko lang ang pagpipili ng gamit na nakadisplay sa online shop. Habang nagbro-browse ako ramdam kong wala na si Darryl sa sofa. Saan naman kaya yun nagpunta.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now