Chapter 35

87 4 0
                                    

Katalina's P.O.V

Matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari ay nakaramdam ako ng konting kapayapaan sa puso ko. Labis akong nagpapasalamt sa kanya kasi nandyan siya para pakinggan ako.

'Sa paraang iyon ko lang nailalabas ang galit ko...'

At nang simulang magkwento ako kanina ay napapansin ko nang may mga mata na nakatingin sa akin. Pinili kong hindi magpahalata dahil baka mapansin nila ako.

Parang bawat anggulo ng simbahan ay mga mata na nakatingin sa akin kaya nagawa ko na lang ituon ang paningin ko sa altar kahit labag sa  loob ko.

Bawat salitang binibitawan ko ay palihim akong napapatingin sa mga taong nasa simbahan na hindi nakikita ni Darryl. Wala akong nakita ng kahit anong kahina-hinalang tao bukod sa isang lalaki na malapit sa CR.

Kaya kunwari akong nagpaalam kay Darryl na pupunta sa CR para puntahan ang lalaking iyon. Habang naglalakad ako papalit sa CR ay batid kong may nakatingin pa rin sa akin, mas pinili kong wag magpahalata dahil baka mabisto ako.

Nang malapit na ako sa CR ay nakita ko ang lalaking pinaghihinalaan ko na pumasok roon. Maingat akong naglakad papasok at may isang mahabang pasilyo roon ang aking nadatnan. Bale, nahati ang mga cubicle sa pagitang ng pasilyo roon. Sa kanan ay para sa mga babae at sa kaliwa naman ay para sa lalaki. Nagtago ako pader na kung saan ay malapit lang sa akin ang pintuan. Pinapakiramdaman ko muna ang lugar at wala akong naramdaman ng kahit sinong tao bukod sa lalaking pinaghihinalaan ko. Maswerte ako sa napagplanuhan ko dahil wala ni isang tao sa loob ng CR. Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang aking maliit na patalim at tinago iyon sa likuran ko. Naging alisto ako nang may narinig akong pagbukas ng isa sa cubicle roon at nasisisguro kong iyon ang lakaking 'yon. Naririnig ko na ang mga yabag niya papalapit sa gawi ko at nang makita ko ang anino niya sa pinagtataguan ko ay mabilis akong lumabas at pasakal ko siyang tinulak gamit ang kaliwang kamay para mapasandal siya sa pader at walang ano-ano'y itunutok ko sa mukka niya ang patalim na hawak ko, napangisi ako nang makita kong nabigla siya sa ginawa kong patutok ng patalim sa kanya. Bahagya niya pang inatras ang ulo niya para hindi siya tamaan sa patalim ko.

'Huli ka balbon..'

"Sino ka?"

"..."

"Sinusundan mo ba ako dito?" tanong ko na tinignan pa siya sa mata at hindi niya naman siya makatingin sa mga mata ko dahil pilit niya pa ring iniiwas ang ulo niya sa patalim.

"H-Hindi kita sinusundan."

Napangisi ulit ako.

"Talaga lang ha?"

"O-Oo.."

"Oh, bakit nauutal ka yata? Gusto mong itarak ko 'to sa noo mo?" nakangisi ngunit sarkastikong tanong ko at ininguso ko ang patalim at nanlaki naman ang mga mata niya.

"W-Wag,"

"Madali naman akong kausap eh. Tatanungin lang kita dahil kung hindi ka sasagot alam mo na ang mangyayari sayo. Malinaw?"

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now