Chapter 46

64 6 0
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Kiko's POV

"ARE you related to the patient?"

"Yes doc, kumusta po siya?" Nag-aalalang tanong ko sa doctor na gumamot kay Ria dito sa hospital.

"Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya at naisagawa ng maayos ang operation. Nagtamo ang pasenyte ng malalim na sugat sa kanyang tagiliran na naging sanhi ng muntik na pagkaubos ang kanyang dugo sa katawan. Stable na ang condition ng pasyente pero hindi pa rin siya nagigising. Maaaring matagalan bago siya gumising. Pwedeng ilang araw or weeks ang itatagal. Hindi natin masasabi. Kailangan lang nating i-maintain ang pagbabantay sa kanya." sagot nito.

"Maraming salamat po, Doc."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ito nangyari sa kanya? Sino ang may gawa nito?

Papasok na sana ako sa private room ni Ria nang tawagin ako ni Darryl na siya namang papalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nagagalit ako sa kanya. Dapat siya ang nasa posisyon ko ngayon kasi siya ang boyfriend. Siya ang may responsibilidad dito at hindi ako.

Mag-isa lang siyang pumunta dito at hindi pa man siya nakakalapit sa akin ay bigla ko siyang sinapak. Nabigla siya dahil sa ginawa ko pero hindi ako nagpatinag. Tinignan niya ako nang may pagtataka.

"B-Bakit mo ginawa 'yon, Kiko?" Tanong niya.

"Nasaan ka noong kailangan ka ni Ria ha?! Nasaan ka?! Akala ko ba, girlfriend mo siya?! Bakit pinabayaan mo siya?! Tignan mo ang nangyari sa kanya, naospital dahil sa kapabayaan mo! Ikaw dapat ang may responsibilidad dito kasi ikaw ang boyfriend!" Bulyaw ko sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang pag-alala.

Nakakainis kasi sa parte ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagagalit kay Darryl ngayon. Wala ako sa lugar para magalit sa kanya, nadala lang ako ng emosyon ko.

Nanatiling tahimik si Darryl at isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon ko, pasesnya na." Nakayukong pagpapaumanhin ko.

"Naiintindihan kita. Kaibigan ka rin ni Ria kaya alam kong nag-aalala ka rin sa kanya." Tinapik niya ang balikat ko at hinatak niya ako papasok sa private room ni Ria.

Isang mahimbing na natutulog na Ria ang nadatnan namin. Maraming nakakabit sa kanyang iba't-ibang apparatus. Naghalo-halo na ang emosyon ko nang makita ko ang kalagayan niya.

Kung sino man ang gumawa nito sa kanya, humanda siya sa akin.

Lumapit si Darryl sa kama ni Ria at maigi itong tinignan ang kabuoan niya. Naupo ako sa isang sofa at doon nagmukmok.

"Natawagan mo na ba ang pamilya ni Ria?" Napabaling ang tingin ko sa nagsalita, si Darryl lang pala.

"Ah... oo. Papunta na raw sila dito," sagot ko.

"I see."

Sobrang nakakailang ang sandaling ito. Gustuhin ko mang lumabas muna para makapag-isa si Darryl ngunit kailangan ko ring bantayan si Ria dito.

"Salamat pala ah. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala pa si Ria sa akin."

"Wala 'yon. Kung hindi lang tumawag agad sa akin si Ria, baka natuluyan na talaga siya." Sabi ko na tila parang hindi ako nalasing.

Napatingin ako sa orasan na nakakabit sa itaas ng pinto. Pasado alas kuwatro na pala ng umaga. Hindi ko man lang napansin ang oras.

Kusang dumapo ang mga mata ko sa kanang pulsuhan ko. Nakatitig lang ako sa tattoo—simbolo ng gang namin—na nasa pulsuhan ko nang bigla akong napaisip.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora