Chapter 2| Normal High University

519 22 4
                                    

Katalina's P.O.V

Kumakain ako ngayon sa cafeteria, as usual ganon padin sila pero mabuti narin yun kesa naman mawala ang scholarship nila.

Habang kumakain nagring ang phone ko.

[Yes]
[Nandito po kami sa conference room niyo master] sabi ni Kiko.
[Bakit? Anong problema?]
[May nahuli kaming spy.]
[Spy? Bakit nagkaroon ng spy dito?]
[Ewan ko po master.]
[Oh sige papunta nako dyan.]
[Sige po boss.]

Matapos ang tawag namin ni Kiko, dali-dali akong kumain at umalis na sa cafeteria. Nagmamadali akong naglakad at bigla nalang bumangga sakin ang isang babae na mukhang nagmamadali rin at sa di inaasahang pangyayari natapunan ako ng kape.

"Fuck!" sigaw ko.

"S-sorry po m-master" nauutal na sabi ng babae.

"..."

"Pasensya nap-"

"Go to my office" sabi ko habang pinupunasan niya ang uniform ko.

"H-ho?"

"Bingi ka ba?! I said go to my office now!" galit na sigaw konsa babae. At naglakad nako palabas ng cafeteria. "Assholes" bulyaw ko sa sarili ko habang papalabas ng cafeteria. Siya naman sumunod lang sakin.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa conference room. Bumungad na sakin ang sinasabi nilang spy. "Dyan ka lang, wag kang aalis dito" utos ko sa babae. "Opo master" sabi niya.

Tahimik lang sila habang papalapit ako sa spy at tsaka umupo sa swivel chair ko. "Sino ka?" tanong ko.

Robert's P.O.V (siya yung spy)

"Sino ka?" tanong ni Katalina sakin. Hindi nako kumibo. "Pamilyar ka sakin ah" sabi pa niya.

Flachback:

Nandito ako ngayon sa mall sinusundan ko si Ms. Gomez. Ilang metro ang layo ko sa kanya pero kitang-kita ko parin siya. Pumunta siya sa isang coffee shop, ilang minuto rin ang lumipas ay lumabas siya sa coffee shop.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko basta ko nalang siyang sinundan. Siya papuntang exit ng mall which is ang pwesto ko kanina, ako naman papalapit sa kanya at bigla nalang kaming nagbanggaan.

"I-Im sorry miss" sabi ko kay Ms. Gomez. "No its okay" sabi niya with a cold tone sabay alis.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now