Chapter 14|Day One: Pagpapakilala

126 5 0
                                    

Darryl's P.O.V

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Totoo ba 'to? Totoo ba lahat ng 'to na nag-iisang master ng Normal High University ay tuturuan ko paano maging mabuti tao?

Akala ko panaginip o bungungot lang pero totoo ang lahat ng 'to. Parang ayaw ko paring maniwala. Bakit ako pumayag sa alok ni Principal Cruz?

Paano ko pakikisamahan sa master eh ang sungit nun at suplada pa. Baka mapaaga ang pag-aalis ko sa Normal High kasi pumayag ako. Nakita ko yung expresyon ni master alam kong tutol siya dun.

Pahamak kasi tong si Principal Cruz eh, dinamay pa ako. Bakit ako ang pinili niya eh andami namang estudyante sa Normal High? Pwede nga sila Kiko o si Wilbert kasi matagal na nilang kilala si master. Bakit ako na baguhan lamang sa eskwelahang yun? Tang ina!

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Iniisip ko parin ang pagpayag ko sa alok ni Principal Cruz. Hindi naman pwedeng aatras ako kasi baka madismaya ko si Principal Cruz, alam kong inaasahan niya ang pagpayag ko kaya wala na akong magagawa.

Linggo ngayon kaya nandito lang ako sa kwarto ko nakahiga. Tapos narin akong magsimba kaninang umaga kaya nakatunganga lang ako dito.

Paano kung pahirapan niya ko? Paano kung hindi siya mag-cooperate? Pero kahit anong gawin niya hindi parin ako susuko, ginusto ko 'to eh at pumayag pa. Tss.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

Kinabukasan. . .

Maaga akong nagising ito ang unang araw ng pagiging tutor? Hindi ko alam ang tawag nito eh, basta yun na yun. Hindi ako naeexcite, kinakabahan nga ako eh.

Sa lalim ng iniisip ko ay nakatulog pala ako kagabi.

"Mom alis na po ako" sabi ko pagbaba ng hagdan.

"Ang aga mo naman ata anak."

"Ayoko kasing ma-late mom dahil nung nakaraan na-late ako eh."

"Hindi ka man lang kakain?"

"Hindi na po sa school nalang ako kakain" kahit gutom nako ay pinili ko nalang umalis. Ayoko ma-late no!

"Promise me you will eat your breakfast at school ha?"

"Promise" by that she gave me a warm hug and kiss on the cheeks.

Sumakay nako sa kotse kong nakaparada sa labas at mabilis ko itong pinaharurot. Nang makarating ako sa university ay agad nakong naglakad papuntang classroom.

"Darryl!" rinig kong may sumigaw at agad ko naman itong nilingon.

"Oh Wilbert bakit?"

"Wala lang, musta?" itanong ko kaya sa kanila kung paano ako makalapit kay master?

"Wilbert, Kiko ah. . ." pansin kong abala si Kiko sa cellphone niya peri alam kong nakikinig siya. "Ah paano ako makalapit kay master?" tanong ko. Huli na bago ko bawiin ang sinabi ko dahil nakatingin ng diretso sakin si Wilbert at pati narin si Kiko na kanina ay abala sa kakapindot sa cellphone niya.

"Ah. . . subukan mong pumunta sa office niya o sa classroom niya di ba alam mo naman nasan yun?" sabi ni Wilbert.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now