Prologue

27K 1.4K 381
                                    

Third Person's POV

"YOUR majesty, patay na po si Lady Elena." Hayag ng manggagamot ng Palasyo na si Anisto pagkatapos ng pagbagsak ni Elena, sa unang pagkakataon na nakita ito ni Elijah.

Lumukob ang pagsisisi sa mukha ni Elijah habang nakatingin siya sa walang buhay na katawan ni Elena. Ang babaeng hindi niya ginustong pakasalan at kailanman ay hindi sinubukan kausapin at kitain.

Labis na pagsisisi ang kanyang nararamdaman ngayon. Noon ay hindi siya nagka-interes na kitain si Elena. Ang alam niya lang ay may taglay itong ganda na namumukod tangi sa lahat. Bagama't hindi siya nagkakainteres kahit gaano pa kaganda ang itsura ng isang nilalang. Kahit kailan ay hindi pa siya nagkagusto nino man. Hindi mahalaga sa kanya ang panlabas na anyo, dahil kapakanan ng Valeria ang lagi niyang inuuna.

Ang buong plano niya ay si Natalia ang kanyang pakakasalan, para mas paglawigin ang kapayapaan ng Wysteria. Kahit ang mga matataas na opisyales ay iyon din ang gusto. Ang pakasalan si Natalia. Tanging ang heneral ng digmaan lamang ang hindi sumangayon na pakasalan si Natalia. Kailangan, kung sino man ang nakatakda ay siya ang dapat pakakasalan. Hindi ibang nilalang.

Pero ngayon, sa unang pagkakataon na dumapo ang kanyang mga mata sa babae, tila huminto ang kanyang mundo sa unang pagkakataon. Tumibok ang kanyang puso, labis na pagtibok na hindi pa niya naramdaman kahit kailan.

Pero bago pa niya nalaman na ang babaeng nasa harapan niya, ay ang babaeng dapat pakasalan niya ay huli na ang lahat. Nawalan siya ng buhay, sa isang iglap lang. Wala man lang siyang nagawa para mapigilan iyon.

Nagtagis ang bagang ni haring Elijah at napapikit siya ng mariin. Tumayo si Elijah at binuhat niya ang walang buhay na katawan ni Elena. Pakiramdam niya ay nilamukos ang kanyang puso sa sobrang sakit.

Naglakad si haring Elijah at hindi na niya namalayan na tumutulo na ang kanyang mga luha. Lahat ng mga sentinels at mga serbidora ay nakayuko dahil sa kalungkutan. Tahimik ang lahat at pumasok sa isang silid si Elijah, at inihimlay niya si Elena sa isang higaan na gawa sa isang malambot na tela at kulay itim at ginto.

Hindi iyon kwarto, kundi isang silid kung saan ang himlayan ni Elijah kung siya ay babawian ng buhay. Hindi niya iyon nagamit, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok siya doon.

Isang kuwarto na kulay itim at ginto. Isang malapad na kama at nakahimlay doon si Elena. Para lang itong natutulog sa kanyang paningin. Hindi masasabing wala na itong buhay.

"I-I'm sorry..." Naibulong niya sa hangin at napaluhod siya sa gilid ni Elena. "Kasalanan ko lahat ng ito. Kung pwede ko lang bawiin ang lahat." Humikbi si Elijah na punong puno ng pagsisisi at paghihinayang. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng labis na pagsisisi si Elijah. Ang klase ng pagsisisi na kinakain ang kanyang kalooban.

Nakaluhod lang si Elijah doon, tumutulo ang luha at hindi alam kung kailan siya makakaahon sa labis na pagsisisi at kalungkutan na nararamdaman niya. Hindi na napansin ni Elijah kung gaano siya katagal doon sa loob. Nakatingin lang siya sa walang buhay na katawan ni Elena at humihiling na sana ay panaginip lang ang nangyayari. Sana ay gigising na lang siya dahil panaginip lang ito at ang una niyang gagawin ay ang huwag ituloy ang orihinal na plano.

Napalingon naman si Elijah nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang babaeng kilala niya. Si Natalia, ang reyna ng Mythion.

"I heard she's finally dead. You're free now." Paunang saad ni Natalia pero hindi siya pinansin ni Elijah. Ang buong atensyon niya ay nasa babaeng nakahimlay ngayon sa kanyang harapan. "Why do you look so sullen all of the sudden?"

"Not today, Natalia. Please, give me peace." Hiling ni Elijah. Hindi niya gustong bastusin ang reyna pero nawawalan siya ng pasensya ngayon. Lalo na at mas lalo lang pinagmumukha sa kanya ang sitwasyon.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now