Fire 🔸 8

11.2K 955 142
                                    

Alessia's POV

NATAPOS din ako sa pagbabawas at naging maingat ako dahil baka maapakan ko ang krimen na ginawa ko. Umalis ako doon sa pinagbawasan ko kahit wala naman akong nakikita.

"T-tapos na ako." Saad ko naman kahit hindi ko alam kung saan nakatayo si Elijah ngayon.

"I know." Biglang saad naman ni Elijah na nasa gilid ko na pala. Nagulat ako doon pero hindi naman ako nainis o naasar.

"U-umalis na tayo." Saad ko naman sa kanya kaya hinila na niya ako pabalik sa grupo.

Ngayon ay maaliwalas na ang pakiramdam ko at hindi na kagaya kanina na masakit ang aking tiyan. Maybe, this will be my life in the next few days. Dapat hindi na rin ako mahihiya dahil parang wala lang naman ito sa kanila.

Unlike with humans, pagnalaman nila na natatae ka, pagtatawanan ka pa. Kaya nakakahiya sabihin iyon. To them, it's natural and they don't find it funny kaya hindi na nakakahiya.

Ngayon ko lang napagtanto, na nakakahiya lang ang isang bagay kung pagtatawanan ka ng mga nasa paligid mo. Doing a thing is never been shameful, not until if you're surrounded by judgmental people. It makes things shameful when people make it that way.

Nakabalik na kami sa grupo namin at naghugas naman ako ng kamay. Mabuti na lang at may dala naman tubig ang mga ito at sabon. Poproblemahin ko ba ang pagligo? Mukhang nakakatakot maligo dito dahil pugad ito ng mga halimaw, kaya hindi imposible na kung may tubig dito, may namamahay doon na kung ano.

Hindi naman siguro ako mangangamoy na kung ano dahil wala naman akong gagawin, wala nga sana talaga.

"Sleep now, Ales." Utos naman ni Elijah sa akin at bumalik ulit sa pagkapormal ang boses nito. Panatag ang loob ko na kaya niyang panindigan ang bagay na iyon.

Hindi ito kagaya ng ibang mga lalaki na basta masunod lang ang gusto nila, wala na silang pakialam kung nahihirapan na ang babae. Most of the men, they have this male chauvanistic attitude, yung ayaw padaig, yung dapat sila lang ang masusunod. Na dapat ang mga babae, sumusunod lang. Men should learn that by time, there is an evolution. Hindi sa lahat ng bagay at oras, dapat ay nasusunod ang mga lalaki. Women has their own mind and decision and they need to respect that.

"S-sige." Naging sagot ko sa kanya at biglang iginiya niya ako sa kaninang ginawa niyang higaan. Para sa akin pala iyon. I thought it was his.

Humiga na ako sa higaan na gawa sa mga dahon. Inaantok na din naman ako kaya pumikit na ako. Pagod ang katawan ko at yung sakit na nararamdaman ko kanina sa likuran ko ay unti-unti nang nawawala. Pero bukas, alam ko na sasakit ulit ito. That's how body works. May after effects ang mga ganito.

Hindi na ako nag-isip ng kung ano pa. Ginawa ko ng blanko ang isipan ko para anurin agad ako sa karimlan.

•••

NAGISING na lamang ako dahil sa mga mahihinang halinghing ng mga kabayo. Umaga na at bumangon ako. Pero napakunot noo naman ako nang makita ko na may isang sugatan doon na sentinel at medyo magulo ang paligid.

May nangyari ba na hindi ko alam kagabi? Tumayo ako at napainom ng tubig dahil nakaramdam ako ng uhaw. Tumingin ako sa lupa, may mga bakas doon na malalaking paa na alam kong hindi iyon sukat ng isang tao. May atake bang naganap kagabi na hindi ko napansin?

Kaya lumapit na ako sa sentinel na sugatan pero hindi naman iyon malala sa tingin ko.

"Anong nangyari?" Agad na tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Hindi ko rin makita sina Stefano at Elijah. Hindi ko alam kung nasaan sila.

"May umatakeng Minotaur, ginoong Ales. Pero maayos naman dahil agad naman itong napatay." Sagot niya sa akin at napapangiwi ito dahil sa kanyang sugat. Walang gumagamit nito dahil naging abala ang lahat.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now