Fire 🔸 15

10.3K 869 282
                                    

Alessia's POV

NAGISING ako na medyo sumasakit ang ulo. Kulang ang tulog ko at hindi iyon napunan ang pagod na naranasan ko sa paglalakbay na iyon. Wala si Estrebelle at si Sushi naman ay natutulog pa. Mukhang nagbantay ito magdamag dahil sa pangyayari kagabi.

Bumangon na ako kahit nakakaramdam ako ng kirot sa sentido ko. Normal naman ito dahil kulang ako sa tulog. Naligo na ako ng mabilis upang makakain na.

Mabilis lang din ang ginawa kong pagligo dahil naligo naman ako kagabi. Isinuot ko na lamang ang kulay itim na kimono na may kanipisan. Mahahaba ang manggas at maluwag iyon.

Mabilis naman akong nagsuklay at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi man kapansin pansin, ngunit bakas sa ilalim ng mga mata ko ang kakulangan sa tulog.

Sino ba naman ang mahimbing na makakatulog sa pangyayari kagabi? Nasa utak ko na baka bumalik iyon at kainin ang mga alaala ko habang tulog ako. Kahit isipin ko pa na nandyan si Sushi, nakabantay ay hindi ko magawang maging kalmado.

Biglang bumukas naman ang pintuan at malakas iyong sumarado kaya napalingon ako kung sino ang may gawa noon. Nakita ko ang aking nakakatandang kapatid na malaki ang ibinawas sa kanyang timbang pero nakasuot pa rin ito ng marangyang kasuotan. Nakasuot siya ng kulay dilaw na kimono na nakalabas ang kanyang makinis na balikat. Nakakolorete din ang kanyang mukha pero halatang halata ang laki ng ipinayat niya.

"Ate..." saad ko at inilagay ko ang suklay ko sa lamesa.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na pakiramdam ko ay ano man oras, sasabog siya.

"Anong kailangan mo?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, mas gusto ko pa na hindi ako kinakausap ni ate, dahil alam ko na mag-aaway lang din kami sa bandang huli.

"Layuan mo si Elijah." Matigas na saad niya sa akin. Bakas ang paninibugho sa kanyang mga mata na tila inagaw ko ang buong mundo mula sa kanya.

"Ate—"

"Alam ko na ang lahat, Alessia." Kalmado ngunit may talim at bigat iyon mula sa kanya. "Wag mo na akong lokohin pa."

Napalunok ako. Alam ko na sa simula pa lang ay mali na ito, ako ang hindi nararapat dito at wala akong karapatan na pagbawalan siyang magalit kung nasaktan ko man siya. Ako yung may kasalanan, kailangan kong pagbayaran iyon.

"Ate...hindi ko sinasadya." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kung ako lang sana ang nasa tama, hinding hindi ako magpapakumbaba. Pero, ako yung mali.

"Hindi mo sinasadya? Kayang kaya mo siyang iwasan Alessia! Malaki ka na! Alam mo ang tama at mali! Pero mas pinili mo sirain ang ano man meron kami ni Elijah. Bakit napakamakasarili mo? Hindi mo ba inisip kung ano ang mararamdaman ko oras na ginawa mo iyon? Sa lahat ng bagay, lagi kitang kahati. Laging ako yung kawawa at talunan. Kahit dito man lang Alessia, hindi mo pa rin ako pinagbigyan. Kinukuha mo na lahat lahat!" Namalisbis ang luha ni ate.

Nahabag ako. Malayong malayo siya sa kapatid na kilala ko. Yung mga sinabi niya, tila tumagos iyon at bumaon sa mga buto ko.

"Ate I'm sorry, pero mahal ko siy—"

"Mahal? Ano ang tawag mo sa akin? Mahal ko si Elijah! Kahit ginagawa na niya akong tanga nagtitiis ako dahil mahal ko siya! Pero kinuha mo siya sa akin. Tuluyan mo na siyang inagaw sa akin." Humagulgol siya at napasandal sa pintuan. Napatakip siya ng kanyang bibig upang itago ang kanyang paghagulgol pero dinig na dinig ko pa rin iyon. "I hate you more than before. I hate you more than anything in this world." Nagtagis ang kanyang mga bagang at masamang tumingin sa akin. "Diba gustong gusto mong malaman kung bakit galit na galit ako sa iyo? Sasabihin ko na sa iyo, Alessia." Namamaga ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ