Fire 🔸 36

9.1K 871 54
                                    

Alessia's POV

"NAKARATING na ako dito!" Halos maisigaw ko iyon na ikinahinto ni Erigor at napatingin pabalik sa akin.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nasa mga isinumpang bulaklak. Hindi natatakot sa kamalasan na hatid ng mga ito.

Napalunok ako. Hindi ko napigilan na maisigaw iyon lalo na at gumugulo sa isipan ko ang panaginip na iyon at ngayon, makikita ko ito dito. Hindi ko maiwasan na maisip na may makahulugang mensahe ang hatid ng panaginip na iyon.

"N-napanaginipan ko ito—kagabi. Ang lugar na ito, ganitong ganito, tapos may mga—"

"—diwata. Tama ba ako?" Natigilan ako dahil sa pagputol ni Erigor sa sinabi ko. Hindi lang iyon, kundi dahil din sa sinabi niya na tungkol sa diwata.

"P-paano mo nalaman?" Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Masyado akong nagugulohan sa mga nangyayari. Mas lalong gumugulo ang lahat habang tumatagal.

Ngumiti naman si Erigor sa akin na tila sinasabi nito na huwag akong mag-alala.

"Dahil ilang ulit ko na din silang napanaginipan. Paulit-ulit sa panaginip ko ang isang hari ng mga diwata na inilayo ang kanyang anak para iligtas ito. Ngunit laging napuputol ang panaginip na iyon." Sagot niya sa akin kaya napahakbang ako palapit sa kanya dahil iyon mismo ang nasa panaginip ko.

"Sabihin mo sa akin, may ibig sabihin ba ang panaginip na iyon?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Napapa-iling naman si Erigor dahil sa iniakto ko.

"Walang ibig sabihin yun, Ales. Ang dahilan kung bakit napapaniginipan natin iyon ay dahil sa lugar na ito. Malaki ang kutob ko na ang lugar na ito, ay ang lugar kung saan naganap ang digmaan ng mga diwata noon. Ang mga ala-ala na iyon ay pumapasok sa atin bilang panaginip. Ang lugar na ito ay puno ng misteryo, Ales. Ang napanaginipan mo, ay isang totoong pangyayari ilang milenya na ang nakakaraan." Paliwanag niya sa akin.

Ang kaninang magulong isipan ko ay mas lalo lang maging magulo. Ano ba talaga ang lugar na ito para pasukin kami ng panaginip na iyon? May mensahe bang nakatago sa panaginip na iyon? Bakit pakiramdam ko ay hindi namin pwedeng baliwalain iyon?

"Kilala mo ba si Agamemnon?" Tanong ko sa kanya. Alam ko na malaki ang tsansa na hindi niya ito kilala dahil kahit sina Elijah ay hindi kilala si Agamemnon. Ang alam lang nila ay Dark Lord ang tawag nito.

Umiling naman si Erigor. "Hindi ko siya kilala, pero nakikita ko siya sa panaginip." Sagot niya sa akin at nababakas sa kanyang mga mata ang katotohanan.

Tama ang hinala ko. Wala siyang alam tungkol kay Agamemnon. Ang tanging nakakakilala sa kanya ay ang mga nilalang na nabubuhay dito noon pa man at kasama na iyon si Sushi. Siguro, dapat si Sushi ang kausapin ko tungkol dito dahil alam ko na sa kanya ko makukuha ang mga kasagutan sa katanungan na namamahay sa isipan ko.

"Sa palagay mo, sino ang masama doon sa panaginip?" Tanong ko kay Erigor. Alam ko na nahihibang na ako para tanungin ang kanyang opinyon. Ngunit wala akong magagawa dahil siya lang ang tanging makakausap ko tungkol dito. Siya lang din ang nakakaintinde ng nararamdaman ko.

"Hindi ko masasabi dahil hindi naman tayo sigurado kung iyon nga ang totoong nangyari. Ngunit kung pagbabasehan ko ang panaginip na iyon, ang hari ang biktima. Ngunit hindi din natin masasabi dahil parte lang iyon ng isang pangyayari at hindi ang buong naganap." Sagot niya sa akin na halatang pinag-isipan niya ito noon pa man.

Kahit ako, ganoon din ang iniisip ko. Walang makakapagsabi kung ano ang totoo lalo na at parte lang iyon ng isang pangyayari na hindi alam kung ano ang simula at kung ano ang katapusan. Kaya napagpasyahan ko na lang na isantabi na lang muna ang isipin na ito bago pa tuluyan akong mabaliw dito.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now