Fire 🔸 6

11.3K 998 222
                                    

Alessia's POV

HINDI ko alam kung ilang minuto nang tumatakbo si Sushi. Pero ramdam ko na balisa siya at mas binilisan niya ang kanyang takbo na tila may hinahabol siya at iniiwasan.

Gusto ko man siyang tanungin kung meron ba siyang inaalala pero hindi ko ginawa. Nanatiling tahimik ako at nakikiramdam. Sa mga nagdaan mga minuto, unti-unti nang lumuluwag ang pakiramdam ko at nabawasan na ang takot ko.

Siguro, kung wala si Sushi sa tabi ko, kanina pa ako inatake ng mga nilalang dito. Somehow, the forest beast recognize him as one of them that's why no one is attacking us.

Medyo mas dumidilim na ang paligid at nakaramdam na rin ako ng pagod. Mas ramdam ko na rin ang pananakit ng aking likod pero natitiis ko pa naman iyon. Kailangan maabutan namin sila bago magdilim, dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maabutan ako dito nang mag-isa, kasama lang si Sushi.

Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon na si Sushi sa mga sanga ng kahoy kaya mas lalong kumapit ako sa kanya dahil natatakot ako na mahulog. Napatingin ako sa ibaba, kung saan ang daan na iniwasan ni Sushi. Marami iyong dugo at may mga pana. May mga walang buhay din na mga nilalang doon na hindi ko mailarawan dahil hindi sila gaanong kalinaw sa paningin ko. Pero alam ko na hindi iyon isang imortal. Mga nilalang iyon dito sa loob ng Eleftheria na umatake kina Elijah.

How ironic. Kami itong pumasok sa teritoryo ng mga halimaw, mga imortal pa ang pumapatay. These beast, they never attacked immortals I guess, they tried to attack them since they see the immortals as a threat in Eleftheria.

Kung tama ang iniisip ko, this is the first line of defense. The magical beast and monsters here are protecting something...something that immortal's needs. Ang relikya! Ngayon ay mas lalo ko ng naiintindihan. We are in the right track, the closer they will get, the harder it will be.

Inalis ko na ang tingin ko doon at tumingin ako sa harapan. Napapayuko ako bigla dahil sa mga sanga na muntikan nang tumama sa mukha ko. Napakadelikado nang ginagawa ni Sushi, pero naiintindihan ko naman kung bakit niya iniiwasan ang mga bangkay sa baba. He's a beast as well and he's not comfortable with it. Para lang din yan tao, hindi komportable, kung alam mong may patay na bangkay sa daranaan mo.

Biglang nakarinig na lang kami ng ungol mula sa di kalayuan. Sila Elijah ba ang may gawa nun? Ungol ng isang malaking hayop na tila nasasaktan at nanlalaban.

Mas binilisan ni Sushi ang kanyang pagtakbo hanggang sa nakita na namin ang grupo nila Elijah at may isang malaking oso na umaatake sa kanila. Mabilis na hinanap ng aking mata si Elijah at nakita ko siya doon na nakasakay sa kabayo at hindi lumalaban. Bumaling si Elijah sa amin ni Sushi at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita kami. Pero nagtataka ako kung bakit hindi siya lumalaban.

Siguro dahil hindi ito isang malimaw na kagaya ng mga higanteng ahas o kung ano pa. It is a grizzly bear, the strongest animal on the planet. Hindi madalas umaatake ang mga grizzly bear, not unless they feel threatened.

Mabilis na tumalon si Sushi kaya mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Agad na lumapag si Sushi at dinaganan niya ang grizzly bear na siyang ikinatumba nito sa lupa, gamit ang mga paa ni Sushi na ngayon ay nasa leeg ng oso. Umatungal ito ng malakas na naging sanhi upang magsiliparan ang mga ibon sa paligid. Nanlaban ang grizzly bear gamit ang kanyang matutulis na kuko, pero tila kumalmot ito sa isang bakal. Hindi tinatablan si Sushi.

Biglang umangil si Sushi at umangil din ang grizzly bear. Hindi ko maintidihan silang dalawa. Pero sa tingin ko ay pinipigilan ito si Sushi. Nakita ko kung paanong kumalma ang grizzly bear at pagkatapos nun ay umalis si Sushi mula sa pagkakadagan na ang paa ni Sushi ay kanina pa sa leeg ng grizzly bear.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now