Fire 🔸 23

10.2K 946 330
                                    

Alessia's POV

NAKATITIG ako sa salamin at hindi ko maalis alis ang mga mata ko doon. Ibinalik na ako ni Elijah sa kwarto at pansamantalang lumabas din si Estrebelle para bigyan ako ng pagkakataon na mapag-isa at makapag-isip.

Napapatanong na ako sa aking isipan kung bakit naging kulay bughaw ang aking mga mata. Pilit sumasagi sa isipan ko ang larawan ni Elena. Kung titingnan ang itsura ko, tuluyan ng naging siya. Ang pagkakaiba lang namin noon ay ang mga mata at mas mapusyaw ang kanyang buhok. Ngayon, ang buhok ko na lang ang tanging ipinagkaiba namin.

Tinanong ko si Elijah kanina at ang tanging sagot lang niya, dahil iyon sa nangyari sa akin sa loob ng Necropolis. Nagbago ang kulay ng aking mata dahil mahiwaga doon.

Pero sa pagkakaalala ko ay dumugo ang aking mga mata. Iyon ba ang dahilan at nabawasan ng pigmentation ang aking iris. Pero bakit pakiramdam ko, nagsisinungaling si Elijah sa akin? Hindi ako tanga para hindi mapansin iyon.

Nagsisinungaling ka din naman sa kanya. Iiwan mo siya di ba? Anong karapatan mo ngayon na manghusga? Para naman akong sinampal ng sarili kong utak.

Ano nga ba ang karapatan ko na manghingi ng kasagutan, kung ako nga mismo ay hindi kayang maging totoo sa kanya? Nanlumo naman ako sa isipin na iyon. Nais kong malaman kung ano ang nangyayari sa akin, ngunit tuwing naiisip ko ang kasinungalingan ko, ay pinanghihinaan ako ng kalooban.

Napabuntong hininga na lamang ako kahit mabigat ang aking kalooban. Gusto kong malaman ang totoo, ngunit hindi ko magawang magpumilit sa pagtatanong.

Nagtanong din ako kanina kung napagtagumpayan ba na makuha ang palatandaan. Sabi ni Elijah ay lumitaw daw iyon habang wala akong malay. Nakuha nila ito at nasa Callora Grande matatagpuan ang ikalawang relikya. Tinanong ako ni Elijah kung gusto ko pa rin ba na sumama doon. Sinabi ko na sasama ako. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko, sasama pa rin ako.

Bukas na ng umaga ang alis namin patungong Callora Grande. Ngayon ay kasalukuyang nag-uusap si Elijah at Rostov tungkol sa pagpunta namin sa Callora Grande. Hindi na ako isinama sa usapin dahil pinagpapahinga niya ako.

Biglang may kumatok naman sa aking pintuan kaya napalingon ako doon. Alam ko na kahit magsisisigaw ako ay hindi ako maririnig sa labas. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa harap ng salamin. Lumapit ako sa pintuan at tsaka binuksan iyon.

Napatitig ako sa babaeng nasa harap ng pintuan ko ngayon. Nakita ko na nagulat siya habang nakatingin sa akin.

Wala akong lakas na punain pa ang mga iyon. Nakaladlad ang aking mahabang buhok at nakasuot lang ako ng puting roba. Alam kong iniisip niya na isa akong babae ngayon, ngunit wala na akong panahon upang makipaghuntahan sa kanya.

"Anong kailangan mo, binibini?" Tanong ko sa kanya at inignora ang kanyang mapanuring tingin. Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil tinititigan niya muna ako at tila nag-iisip. Pagod ako at hindi ko kayang makipagtitigan ngayon ng walang dahilan. "Wala ka bang kailangan? Nais ko sanang makapagpahinga kung maaari." Saad ko sa kanya na tila iyon ang nakapagpagising sa kanya.

"N-nais ko sanang makausap ka..." sagot niya sa akin habang natatauhan. "Maaari ba akong pumasok?"

Tumango naman ako sa kanya ay nilakihan ko ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok siya sa loob at isinarado ko naman iyon. Sumunod ako sa kanya at hindi na ako nag-isip kung ano ang kailangan niya.

"Anong maitutulong ko sa iyo, binibining Aphrodite?" Tanong ko sa kanya, pagkatapos niyang makapasok  habang napatingin sa paligid ng aking silid.

Tumingin siya sa akin at hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya. Siguro dahil naiisip niya na masyadong kamukha na ako ni Elena, no, we already look exactly the same aside from my hair and the color of my eyes. Mas lumala na ngayon dahil naging bughaw ito.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now