Fire 🔸 31

9.1K 833 172
                                    

Alessia's POV

MARAMING ikinuwento sa akin si Erigor patungkol sa naging buhay niya ng mga nakalipas na taon dito sa lugar na ito. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng lugar na ito kaya napagpasyahan niya noon na tawagin itong La Krispana kahit hindi iyon ang pangalan nito.

Nalaman ko rin na may mga naliligaw ditong mga mountain goats na hinuhuli ni Erigor para maging pagkain niya sa araw-araw. Nakikita ko ang mga tuyong karne ng mga kambing at imbes na makaramdam ako ng gutom at takam ay tila bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko alam kung pwede ba iyon at pasado ng maging pagkain. Pero ang alam ko, iyan ang naging pagkain niya sa pananatili sa lugar na ito.

Pero ayaw tanggapin ng sarili ko na kainin ang mga iyon. Siguro kung wala na talaga akong mapagpilian ay kakainin ko na iyon. Ngunit sa ngayon, habang hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom ay hindi ako kakain.

"Ayaw mo talagang kumain? Mukha lang itong hindi nakakain, ngunit masarap ito. Para lang itong tuyong isda, matabang lang ito dahil wala tayong asin dito. Pero nakakabusog ito makakatulong upang tumagal ang buhay natin." Saad niya sa akin at inalok ulit sa akin ang isang piraso ng tuyong karne na inihaw niya sa apoy.

Kinabahan naman ako. Paano kung makakuha ako ng sakit dahil sa pagkain na iyan? Hindi siya nagkakasakit dahil imortal siya, ngunit isa akong tao na madaling makakuha ng sakit sa nga pagkain na hindi maayos ang pagkakahanda. Lalo na ito, there is no sanitation and his hand is full of dirt.

"Ayos lang ako. Mamaya na ako kakain, kailangan din nating magtipid." Kunwaring saad ko sa kanya kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan.

Ngumunguya siya na tila sarap na sarap sa pagkain.

"Ales, kailangan na masanay ka na sa pagkain dito. Wala tayong mapagpipilian kundi ito, dahil ito lang ang natatanging nakukuha natin dito maliban sa tubig." Saad niya sa akin at kumagat ulit ito sa pagkain.

Bumigat naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Parang sinabi na rin nito na hindi na ako matatagpuan ni Elijah. Imposible ba talaga iyon na mangyari?

"Alam ko, pero hindi pa talaga ako nagugutom. Mamaya na lang." sagot ko sa kanya at hindi na siya kumibo pa patungkol sa pagkain. Siguro ay naiintindihan niya ang nararamdaman ko sa ngayon. Ganito din naman siguro ang pakiramdam niya noon. Sino na ang hindi mandidiri sa kinakain niya? Only animals will eat this kind of food.

"Taga saan ka pala, Erigor?" Tanong ko sa kanya at tila natigilan ito. Hindi kaagad siya sumagot na para bang may ala-ala akong inungkat na hindi kaaya-aya.

"Sa bayan ng Garaguar. Doon kami nakatira noon." Sagot niya sa akin.

Garaguar? Sa pagkakaalala ko ay bayan iyon ng Waldorf.

"May pamilya ka doon?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Nag-iisa lamang ako. Wala akong kinagisnan na pamilya at hindi ko noon pinangarap na bumuo. Kaya sumama ako sa isang paglalakbay dito sa Callora Grande dahil sa isang mitolohiya." Sagot niya sa akin at uminom siya ngayong ng tubig.

"Mitolohiya?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang mitolohiya na kanyang sinasabi.

Tumango si Erigor. "Ang bawat kaharian ay may kanya-kanyang mitolohiya. Kagaya sa kaharian ng Valeria. Ang mitolohiya doon ay may isang natatanging babae na nakatakda sa hari—na siyang nakatakdang maging kabiyak at magsisilang ng tagapagmana ng trono. Dito naman sa Waldorf, ang mitolohiya ay tungkol sa isang mahiwagang bagay na kayang ibigay ang ano man iyong kahilingan. Sinabi nila na totoo iyon, kaya sumama ako sa paglalakbay para hanapin ang bagay na iyon." Kuwento niya sa akin at napapakunot noo naman ako.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt