Fire 🔸 9

11.7K 1K 183
                                    

Alessia's POV

NAGSIMULA nang umusad ang kabayo na sinasakyan namin ni Elijah pagkatapos ng usapin na iyon. Ngumunguya naman ako ngayon ng prutas na tinatawag nilang Soursop. Guyabano ito sa pagkakaalam ko pero tinatawang nilang Soursop dito. Hindi naman siya maasim na parang sampalok, it's sweet and juicy to be exact, though sometimes their is a bit distinctive sourness of the fruit but it taste delicious.

Kumakain lang ako nun habang nakatingin ako sa unahan. Si Elijah naman ay maingat na denedepensahan niya ako sa kung ano man. Hindi kami nag-uusap dahil abala ako sa pagkain. Pero abala ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Mas maaliwalas ang panahon ngayon, mukhang nawala yung makulimlim na ulap kaya nagiging normal na kagubatan tingnan ang Eleftheria. May kabilisan ang takbo ng kabayo, pero dahil hawak hawak ako ni Elijah, maayos pa rin akong nakakakain. Hindi ako natatakot na mahulog dahil malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako hahayaan na mahulog.

Naubos ko naman iyon dahil hindi naman iyon kalakihan pero sapat na iyon para magkalaman ang aking tiyan. Agad na pinunasan naman ni Elijah ang nanlalagkit kong mga kamay. Kung may nakakakita sa amin dalawa ngayon, tiyak na iba na talaga ang iisipin.

Bigla naman humangin nang malakas kaya napatingala ako. Agad na napansin ko ang mga itim na lumilipad at may mga tunog akong nariring. Tunog ng mga ungoy iyon. Lumipilad sila patungo sa bulkan at marami sila.

"Iyon na ang winged baboons?" Tanong ko naman kay Elijah habang nakatingala ako sa itaas at tinitingnan ang lumilipad. Abala naman siya sa paglilinis ng aking dalawang kamay.

"Oo, it's rare for them to harm anyone on the ground." Tugon niya sa akin. Hindi ako sigurado kung tumingin na siya sa nga unggoy dahil parang mas importante pa ang kamay ko sa oras na ito.

Tinitigan ko ang mga lumilipad hanggang sa nawala sila sa paningin ko pero bigla naman lumindol ang lupa kaya biglang naalarma ang mga kabayo at agad akong hinawakan nang maigi ni Elijah upang hindi ako mahulog sa kabayo.

Tila lumilindol at nakikita ko kung paano gumagalaw ang mga puno. Sa palagay ko ay gumalaw ang mga tectonic plate sa ilalim ng bulkan. Isa yan sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng lindol.

"We're near." Saad naman ni Elijah. Nakita ko naman sa unahan na naging maingat sina Stefano.

Tama nga ako, malapit na kami sa bulkan o mas tamang sabihin na sa paanan ng bulkan. Hindi kasi ito masyadong makita dahil na rin sa nagtataasang mga puno ng pino dito sa Eleftheria.

"We'll go faster!" Utas naman ni Elijah at agad na pinatakbo ang mga kabayo sa mabilis na paraan. Sobrang bilis nang takbo ng mga kabayo at may mga iilan akong nakikitang mga malalaking bato na gumugulong mula sa bulkan. Nalalaki ang mga mata ko dahil sa mga batong iyon.

Mabilis na umiiwas ang mga kabayo sa mga paparating na mga batong gumugulong pasalungat sa aming dinaraanan. Ako yung nakakakot dahil kung tatama ito sa amin, sigurado akong hindi mabubuhay ang sino man tamaan nito. Kaya napakapit ako ng maigi sa hita ni Elijah. Wala na akong pakialam kung nakakahiya iyon, basta may makapitan lang ako.

Halos mapatili naman ako nang biglang tumalon ang kabayo na sinasakyan namin sa isang malaking bato na gumugulong. Ilang beses lang ba akong nakasakay sa kabayo? Pero bakit sobrang delikado ng mga nararanasan ko?

"Kamahalan, parang awa mo na mag-ingat kayo." Takot na saad ko sa kanya pero gusto ko talagang sabihin na mag-ingat siya dahil ayoko pang mamatay.

"It's okay to be scared, but trust me. We will get through to this unscathed." Sagot naman niya sa akin.

Dahil sa wala akong nagawa, napalunok na lamang ako at piping nagdasal sa panginoon na sana ay walang mangyaring masama sa amin. Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa napapansin ko na mas nagiging matarik na ang lupang tinatakbuhan ng mga kabayo. Siguradong nasa paanan na kami ng bundok kaya magiging mas mahirap ang tatakbuhan ng mga kabayo.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon