Fire 🔸 22

10.1K 949 152
                                    

Alessia's POV

NAKARATING din kami sa harap ng piramide. Natapos din ang nakakailang na biyaheng iyon. Pero kay Elijah, parang wala lang sa kanya dahil sa ekspresyon niya. Hindi niya hinayaan na mas lalo akong mailang. Alam ko na nagsumikap siya sa kung ano man ang pinigilan niya.

May kinausap ngayon si Elijah na isang mamamayan ng Genovia. Masa harap kami ng piramide at ang dalawang kamelyo ay nakatali na sa isang palmera.

Pangisi-ngisi naman si Stefano ngayon na lumapit sa akin. Parang nanood ito ng isang magandang palabas kaya pangiti-ngiti ito. Kinunutan ko naman ito ng noo, dahil ramdam ko na kung ano na naman ang pakay nito.

"I know that look. You got uncomfortable with the ride." Puna niya sa akin. Hindi ako sumagot dahil mas nagiging hindi ako komportable. "Pero wag kang mag-alala, lahat nararanasan iyan. Wala kasi tayong magagawa dahil mga kamelyo ang transportasyon dito sa Waldorf. Ipagpasalamat mo na lang na si Elijah ang nasa likod mo, dahil ang iba, ni hindi nila kilala pero nararamdaman ang bagay na iyon."

Namula naman ako sa sinabi niya. May punto naman siya, pero nakakahiya pa rin iyon. Nadungisan na ang malinis kong ala-ala kay Elijah. Ang hirap alisin iyon sa ala-ala ko. Tila isa itong balat sa aking utak na hindi maaalis.

"Bakit, naranasan mo na rin yun?" Tanong ko sa kanya. Sinusubukan ko ang sarili ko na umaktong tila wala lang nangyari. Dahil kung aakto akong hindi komportable, alam ko na aasarin lang ako ni Stefano.

Napangiwi naman ito. "Ilang beses na. Worst, sa mga kapwa sentinels ko pa." Pati ako ay napangiwi din sa kanyang sinabi. Mukhang dapat pa akong magpasalamat dahil si Elijah nga ang nasa likuran ko. Hindi ko maisip si Stefano, isang matuwid na lalaki ang naranasan iyon. Kung naging bakla itong si Stefano, baka natuwa pa ito. Kaso ay hindi siya bakla.

"That must horrible." Naging komento ko na lang. sinabayan ko ang pagngiwi niya na tila may ala-alang binabaun sa limot.

"Kaya hindi kami pumupunta dito sa Waldorf, dahil maraming ayaw sa kamelyo. Pero katulad nitong kailangan natin pumunta, wala tayong magagawa." Saad naman niya sa akin.

Ngayon, kahit papaano ay lumuwag na ang pakiramdam ko. Siguro ay hindi ko na lang iyon iisipin. Tila wala naman iyon kay Elijah.

Lumapit na sa amin si Elijah at tumingin ito kay Stefano.

"Stefano, you'll take care of the camels. And send a message to Dustan that we need the Unisus to be sent here." Utos nito kay Stefano.

"Oh, alright your majesty." Tugon naman ni Stefano at lumayo na ito sa amin para gawin ang pinag-uutos ng hari.

Dumako naman ang tingin ni Elijah sa akin. May pagka-ilang pa rin akong nararamdaman pero hindi na kagaya kanina.

"Tell me if you have doubts, I will not force you to go inside." Saad niya sa akin habang nangungusap ang kanyang mga mata.

Napakunot noo naman ako. Yes, I have doubts but I will do this even it kills me.

"Natatakot ako, natural naman siguro iyon lalo na at delikado ang lugar na pupuntahan natin. But I'll hold unto the fact that you'll not forsake me." Tugon ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanyang mga mata.

Napatitig siya sa akin ng ilang segundo at hinawakan niya ang aking kamay. "I'm not going to do anything to hurt you this time."

Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay at tumango ako. Hindi ko alam kung may ibang kahulugan ba ang sinabi niya, pero pakiramdam ko ay meron. Pareho kaming tumingin sa entrada ng piramide. Hindi niya binitawan ang aking kamay. Ang entrada ng piramide ay korteng parisukat. Medyo madilim ang looban ngunit may mga sulo na nakadikit sa dingding na nagsisilbeng ilaw sa daanan.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant