Fire 🔸 7

11.6K 970 292
                                    

Alessia's POV

NAKASANDAL ako sa isang malaking kahoy habang abala naman ang mga sentinels sa pagsisiga at pag-iihaw ng hayop na kanilang nahuli. Naging madali sa kanila ang paghuli ng hayop dahil hindi ito dinadayo ng mga immortal kaya hindi sanay ang mga hayop na mabubuhay dito. Hindi ito tumatakbo tuwing nakakakita ng mga kagaya namin. They are even curious and moving closer to see us.

Si Elijah naman ay abala sa paggawa ng tulugan. Gumagawa siya ng higaan gamit ang mga dahon na nakuha niya sa mga puno. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Sushi naman ay bumalik na sa pagiging tuta niya.

"Ales." Nakangising bati sa akin ni Stefano na tapos na sa kanyang ginagawa. Gumawa din siya ng higaan para maging tulugan niya.

Hindi ko na inabala na gumawa ng higaan, dahil kaya ko naman matulog kahit saan basta inaantok na ako.

"Mabuti at hindi ka nilamon ng mga nilalang kanina." Biro ko pa sa kanya kahit alam ko naman na kayang kaya nila ang mga iyon.

"Mas mabuti na hindi ikaw ang kinain." Balik biro naman niya sa akin at umupo siya sa di kalayuan.

Tumaas naman ang aking kilay. "Sino naman ang kakain sa akin? Walang nagka-interes sa akin na mga halimaw." Saad ko pa sa kanya dahil hindi naman talaga kami inatake ni Sushi.

"Ang kamahalan." Sagot niya sa akin.

Kumunot naman ang aking noo. "Si kamahalan?"

"Siya ang kakain sa iyo." Derechang sagot niya sa akin na seryosong seryoso ang mukha na akala mo ay totoo talaga.

"Baliw, hindi siya halimaw para kumain ng kapwa." Tugon ko naman sa kanya. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak niya. He's not into cannibalism.

"Hindi siya kumakain ng kapwa...dahil ikaw lang naman ang kakainin niya." At tumawa naman ito na hindi ko alam kung ano ang nakakatawa.

"Para kang tanga." Sagot ko na lang sa kanya dahil hindi ko masakyan ang pagbibiro niya. Walang nakakatawa sa biro na kakainin ako ni Elijah.

"Totoy ka nga pala talaga." At tumatawa pa rin siya. Nainis naman ako dahil lumapit lang ito sa akin para mang-asar. Akala ko naman ay makikipagkuwentohan ito sa mga karanasan nila kanina dito sa loob ng Eleftheria.

Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niyang iyon. Alam ko na hindi niya ako titigilan hangga't papatulan ko ang mga pang-aasar niya sa akin.

"Having fun?" Saad naman ni Elijah nang makalapit na siya sa amin dahil tapos na siya sa paggawa ng kanyang higaan.

Agad naman na nawala ang ngiti ni Stefano at napalitan iyon ng kaba at pamumutla.

"Nag-eenjoy siya kamahalan sa pamamagitan ng pang-aasar sa akin." Seryosong sagot ko kay Elijah na mas lalong ikinaputla ni Stefano.

"H-hindi, gusto ko lang siyang patawanin, kamahalan." Paliwanag ni Stefano na hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Hindi naman magagalit si Elijah dahil sa inasar niya lang ako.

"Anong inasar niya sa iyo?" Kunot noong tanong naman ni Elijah sa akin.

"W-wala talaga, kamahalan." Agad na sagot ni Stefano na tila sinasabi niya sa akin na wag kong sabihin kay Elijah dahil malalagot siya.

"H-hindi na importante yun, kamahalan." Naging tugon ko kay Elijah, dahil naaawa na ako sa mukha ni Stefano na parang gusto nang magpatiwakal.

Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ni Stefano nang sinabi ko iyon. Parang sinasabi nito na iniligtas ko ang buhay niya.

Umupo naman si Elijah sa tabi ko at tumingin ito kay Stefano. "Go." Taboy nito kay Stefano na tila isa itong panauhin na hindi niya kailangan.

Mabilis naman na tumayo si Stefano at naglakad palayo sa amin. Malayo sa amin ang mga sentinels at mas abala ang mga ito ngayon sa pagbabantay sa paligid, kaysa pagtingin sa aming dalawa ni Elijah.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon