Fire 🔸 19

9.8K 959 347
                                    

Alessia's POV

MAKULAY ang ilaw sa kalangitan. Hindi na bago sa akin ang fireworks dahil laging may ganito sa Arada tuwing bagong taon. Fireworks display is something we look forward to watch every new year.

"Isang tradisyon yan, tuwing kaarawan ng hari." Turan naman sa akin ni Rafi na ikinagulat ko dahil nagsasalita na ito ng normal na lenguahe. Akala ko ay patuloy itong magsasalita ng ingles.

"Mas gumaan ang pakiramdam ko na hindi ka na nag-iingles. Hindi ako masyadong komportable doon." Saad ko naman sa kanya. "Hindi naman ako isang maharlika, kaya ganoon."

Kumunot naman ang noo ni Rafi. "Wala naman problema sa ingles mo. You sound natural." Sagot naman niya sa akin.

Hindi ko naman sinabi na hindi ako marunong, hindi lang ako komportable.

"Hindi lang ako komportable, kasi pakiramdam ko, nakikipag-usap ako sa isang may mataas na posisyon." Sagot ko sa kanya. Si Elijah, alam ko na hindi siya gaanong sanay sa normal na wika, pero tuwing nagkakausap kami, halos iyon ang gamit niya. Nag-iingles lang siya kung may kinalaman na ang kanyang emosyon o mas tamang sabihin na nagiging emosyonal siya.

"Patawad. Wag kang mag-aalala, mas gusto ko din naman ang normal na wika." Sagot niya sa akin.

Napangiti naman ako doon at ibinalik ko ang tingin ko sa fireworks. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang display pero alam ko na nalalapit na iyon.

"Ales." Mabilis naman akong napalingon nang marinig ko ang kilalang kilala ko na boses. His baritone voice that melts me.

Elijah. Nakatayo siya ngayon at kunot noong nakatingin sa akin at lumipat ang tingin nito sa katabi kong si Rafi.

"Your majesty." Wika ko sabay yukod.

Hindi tumingin si Elijah sa akin pero bumabaon ang mga tingin niya kay Rafi. Tila nagsusukatan sila ng tingin at naramdaman ko ang biglang pamumuo ng tensyon.

"Elijah Rafael El Valerian." Matigas na saad ni Rafi. Nagulat naman ako dahil wala man lang kahit konting tono ng paggalang na nagmumula sa kanya. Parang kumakausap lang ito ng taong kapantay niya.

"Rafi Xantheus del Waldorf."'saad naman ni Elijah at nakita ko kung paanong nangalit ang kanyang mga panga.

del Waldorf? Tiningnan ko naman si Rafi at ngayon ko lang napansin ang malaking pagkakahawig niya kay Rostov. Kamaganak ba niya so Rostov?

"The audacity you have." Matalim na bitiw ni Rafi at mas nangangalit ang kanyang mga panga.

Nagpalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa, pero alam ko na hindi maganda ang kanilang relasyon. Ramdam ko na hindi nila gusto ang isa't-isa.

"Mind your manners, Prince of Waldorf." Malamig na saad ni Elijah at napatakip naman ako sa aking bibig. He's a prince! Pero hindi na dapat ako nagulat pa doon. Bearing the last name of Waldorf, that means royalty already.

Rafi snorted. "I am keeping my manners. I hope you keep yours too." Sagot naman ni Rafi at hindi pa rin natutuwa ang kanyang ekspresyon.

Sinamaan ni Elijah ng tingin si Rafi. Hindi ko naman magawang pumigil dahil wala akong alam kung ano man ang alitan nilang dalawa. Mahirap umawat sa isang bagay na hindi mo rin alam ang dahilan at pinag-ugatan.

"Ales, come here." Matigas na utos sa akin ni Elijah.

Kahit galit ako sa kanya, hindi ko magawang humindi. Naglakad ako palapit kay Elijah at nakayuko ako. Nang magkapantay na kami ni Elijah, humarap ako kay Rafi at yumukod ako.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now