Fire 🔸 34

9.5K 870 187
                                    

Alessia's POV

NAKAHARAP kami ngayon sa isang matarik na daan, o kung matatawag pa itong daan dahil literal na aakyatin ito kung gugustohin mo mang pumunta sa tuktok. Masyado itong matirik para sa isang daan.

"Dito tayo dadaan." Saad niya sa akin.

Hindi mabilang ang mura na napakawalan ko sa aking isipan. Kakasabi ko lang sa sarili ko na hindi ako marunong umakyat sa mga matatarik na lugar at heto kami ngayon, aakyatin ito na ito.

"W-wala bang ibang daan dito?" Nagdadalawang isip na tanong ko sa kanya. Parang hindi ko na gustong makita ang lugar na sinasabi niya dahil sa matarik na daan.

"Walang madaling daan patungo sa magandang lugar, Ales. Laging mahirap ang patungo doon dahil hindi matawarang ganda ang sasalubong sa iyo oras na malagpasan mo iyon." Saad niya sa akin sa malalim na paraan. Pakiramdam ko, bawat katagang binibitawan niya ay may kahulugan. Totoo naman may kahulugan iyon, ngunit hindi ko ito inaasahan mula sa kanya.

"Sa bawat saya, may mapait na nakaraan...yan ba ang ibig mong sabihin?" Kumpirma ko sa kanya.

Tumingin naman sa akin si Erigor. "Nakuha mo. Lahat ng tagumpay at kaluwalhatian may isang sugatan at puno ng pilat na mandirigma na nakatago sa likuran. Dahil ang tunay na tagumpay, pinaghihirapan iyon." Paliwanag niya sa akin.

Napalunok naman ako. Kung iisipin, totoo ang kanyang sinasabi. Dahil totoong pagkatapos nang lahat ng paghihirap mo ay kasiyahan ang naghihintay. Napatunayan ko na iyon, kaya minsan nakakatakot maging masaya dahil ang kapalit din ay kalungkutan.

"P-pero hindi ako marunong umakyat." Atubiling saad ko sa kanya. Nakatingin pa lang ako sa matarik na daan, pakiramdam ko ay mahuhulog na ako pabalik sa kinatatayuan ko.

"Paano mo mapagtatagumpayan, kung hindi mo susubukan?" Tugon naman niya sa akin at nasukol naman ako doon.

Tama si Erigor. Hindi ka kailanman magtatagumpay kung takot kang sumubok. Kailangan mong tawirin ang mahirap na daan, para makuha ang tagumpay.

Biglang nagkaroon ako nang lakas ng loob dahil sa mga sinabi niya. Pinagdududahan ko siya, pero sa lagay na ito ay hindi.

"Aakyat ako." Matatag na saad ko kahit alam ko na mahihirapan ako.

"Magaling." Saad niya sa akin habang nakangiti at nakita ko ang naninilaw niyang mga ngipin. "Akyatin na natin para marating na natin ang lugar." Natural lang iyon dahil sobrang tagal na niya dito at sigurado akong minsan lang ito nakakapaglinis ng ngipin, o kung ginagawa man niya iyon.

Tumango naman ako sa kanya at nauna na siyang umakyat. Mabilis siyang kumapit sa mga bato na tila gumagapang lang siya sa sahig. Namangha ako dahil sanay na sanay ito sa pag-akyat na tila hindi ito nahihirapan. Natural na natural sa mga galaw nito ang pag-akyat.

Sumunod naman ako at umakyat. Napapangiwi ako dahil nanginginig ang tuhod ko sa bawat hakbang ko. Masakit din sa kamay ang mga batong nakakapitan ko lalo na at hindi ako sanay sa ganito.

Hindi pa ako umaabot ng isang talampakan ay nahulog ako pabalik sa lupa na ikinalingon ni Erigor.

"Ales, para ka naman hindi lalaki niyan kung ganyan ka kahina." Sigaw ni Erigor na nasa malayo na at pakiramdam ko ay malapit na siya sa itaas.

Gusto ko naman sumigaw na hindi ako sanay sa ganito kaya natural na magiging mahirap ito pero itinikom ko ang bibig ko. Anong karapatan kong magreklamo kung tinanggap ko na ang hamon na ito?

Tumayo ulit ako at napatingin ako kay Sushi na nakatingin lang din sa akin at nakaupo sa isang gilid.

Bumwelo ulit ako at umakyat. Ngunit hindi pa ako nangangalahati ay nadudulas na naman ako at bumagsak ulit sa lupa. Napangiwi na ako sa pagkakataon na iyon dahil masama ang naging bagsak ko. Masakit ang tagiliran ko.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now