Fire 🔸 47

9.6K 1.1K 129
                                    

Alessia's POV

ABALA ang lahat sa paghahanda para sa darating na blessing of the moon. Ni hindi ko din nasisilayan si Elijah dahil palagi itong nasa siyudad ng Valencia para sa preparasyon dahil doon magtitipon tipon ang mga mamanayan ng Valeria.

Inilipat din pansamantala ang mga taga Samona sa Valencia habang inaayos pa ang kanilang mga tirahan. Dito na din sila magsisilebra ng blessing of the moon.

Gusto kong pumunta sa syudad, para makita ang ginagawang preparasyon. Alam ko na hindi ako nagpaalam kay Elijah ngunit wala naman masama kung lalabas ako ngayon. It's daylight at marami din Sentinels na nakakalat sa lugar.

"Estrebelle, gusto kong pumunta sa siyudad." Saad ko sa kanya habang nakatayo sa may gilid ko at si Sushi naman ay nakahiga lang at agad na gumalaw ang tenga nito nang marinig ang sinabi ko. Bukas na ang blessing of the moon at talagang inaasahan ko itong masaksihan.

"Pero binibining Alessia, kabilin bilinan ng mahal na hari na hindi po kayo pwedeng lumabas dahil delikado ang panahon ngayon." Saad niya sa akin na halatang pinipigilan ako dahil na rin sa bilin ni Elijah.

"Wala naman lugar na ligtas, Estrebelle. Kahit dito sa palasyo, kung may gustong pumatay sa akin, mamamatay talaga ako." Saad ko naman sa kanya bilang rason pero namutla ito na tila may biglang naalala.

Nakita ko ang biglang paghigpit ng kapit ng dalawa niyang kamay sa gilid ng damit niya. She's anxious.

"P-pero ito pa rin ang pinakaligtas na lugar sa buong Valeria, binibini." Pilit nito na naiintindihan ko naman.

"Hhmm...Pwede din na patulugin kita ngayon din para hindi magalit ang hari sa iyo. Kasi paano mo ako mapipigilan kung wala kang malay, diba?" Suhestiyon ko naman. Sa ganun, hindi mapaparusahan si Estrebelle dahil ako yung nagpumilit.

Umiling si Estrebelle. "Sasama na po ako sa inyo. Hindi pwedeng umalis kayo ng mag-isa." Halos maiyak naman na saad nito.

Napapailing na lang ako. She's bound by the instruction of the King and my will.

"Alright. Wag kang mag-alala, hindi magagalit sa iyo si Elijah o kung magagalit man siya, ako ang makakalaban niya. Magsuot tayo ng pangkaraniwan na damit at dahil maraming lumalabas masok ngayon sa palasyo, sasabay lang tayo sa kanila para hindi tayo mahalata." Saad ko naman sa kanya pero ngayon ay hindi ko naman alam kung may damit ba akong ordinaryo lang. "Pero, may damit ba akong ordinaryo tingnan?"

Nakatungo si Estrebelle at ang kanyang mga daliri ay gumagalaw na tila nag-iisip.

"...Wala po dahil inalis na po ni Kamahalan lahat ng ordinaryong damit mo noon, binibining Alessia. May damit po ako pero hindi iyon karapat-dapat sa—"

"Kunin mo at isusuot ko. Hindi naman ako maarte sa damit." Saad ko sa kanya at nakita ko naman ang gulat sa kanyang mga mata. Akala ba nito ay hindi ako nagsusuot ng mga ordinaryong damit niya?

"S-sige po. Sandali lang po at kukuha ako ng damit." Paalam naman niya sa akin at mabilis itong lumabas ng aking kwarto pra kumuha ng damit na susuotin ko.

Habang naghihintay ay unti-unti ko naman inalis ang kasuotan ko hanggang sa manipis na tela na lang ang natira na nabalot sa akin. Kung hihintayin ko si Estrebelle, mas matatagalan kami dahil mahirap hubarin ang kasuotan ng mga babae dito. Maraming mga tali at kung anu-anong mga volumizer.

Kaya nang makabalik si Estrebelle ay naging madali na lang ang pagsuot ko sa ordinaryong damit niya na agad naman yumakap sa aking sukat.

Isang kupas na kulay asul ang damit ang ibinigay sa akin ni Estrebelle. Sa itsura nito ay bagay na bagay ito sa ordinaryong mamamayan. Hindi ako mapagkakamalan na may mataas na posisyon sa lipunan.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now